"Bata pa lang yan si Gelyn napakaswerte na talaga ano? Napakalaking swerte ang magkaroon ng ganoong scholarship"
"Oo. Pero bulakbol naman." Sagot ng kanyang ina
"Ma naman.." Nahihiyang pagtutol niya sa kanyang ina.
Kasalukuyan sila ngayon nasa kusina ng kanilang bahay. Naroon ang kumare nito na si aling susan. Kapit bahay nila ito kaya madalas itong mapadpad sa bahay nila. Lalo na tuwing sabado't linggo.
"Ganyan naman talaga ang mga kabataan. Pasasaan ba'y magsasawa rin sila kakabulakbol. Si Richard nga eh panay ang basketball, hinahayaan na lang namin siya ng kanyang tatay dahil doon siya masaya"
Ngumiti si aling susan sakanya pagkatapos nitong ipagtangol siya. Mabait ito sakanya mula pa noon. Favorite teacher niya din ito noong elementary siya.
Co-teacher ito ng kanyang ina kaya naman malapit ang mga ito sa isat-isa.
Sa katunayan gusto pa nga ng mga ito na silang dalawa ni Richard ang magkatuluyan!
Never!
"Nako masakit ang ulo ko sa anak kong yan. Mabuti pa ang mga ate niya matitino wala akong kaproble-problema. Mga edukada at mga guro na din ngayon" Parinig sakanya ng kanyang ina
Kahit ilang beses na niya iyon narinig hindi niya padin maiwasan masaktan.
Sa mata ng kanyang ina isa siyang pasaway na anak at ang mga ate lang niya ang mababait na anak. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil totoo namang pasaway siya.
Pasimple niyang pinunansan ang luha sa kanyang mata habang nagz luluto siya ng kanilang tanghalian. Siya kasi ang madalas magluto ng pag kain nila.
"Ikaw naman mare masyado ka naman harsh kay Gelyn. Eh napakabait naman ng anak mo. Tignan mo nga siya pa ang nagluluto ng ulam niyo sa tuwing nandito ako napapansin ko iyon"
Hay naku bakit ba sila dito sa kusina nag-chichikahan?
Hinalo halo niya ang chicken curry na niluluto niya. Iyon lang ata ang talentong mayroon siya. Ang pagluluto. Ngunit sa ibang bagay palaging sablay siya.
"Aba dapat lang siyang magluto. Hindi na nga siya nag aaral ng mabuti magpapabigat pa siya dito sa bahay?"
"Mare nag aaral naman ng maayos si Gelyn balita sakin ng anak ko magaling daw sa klase ang anak mo"
Napa-irap siya sa hangin.
Mahilig talagang gumawa ng kwento ung kulugo na yun. -aniya sa kanyang sarili
"Eh bakit ang mga grado niya hindi katulad sa mga grado ng ate niya? At higit sa lahat sinabihan ko na iyan kahapon na sabihin kay Mayor na gusto niyang kumuha ng Teacher Education course, Aba matigas talaga ang ulo, Ibang course ang pinili!"
"Mare hayaan mo siya kung ano ang gusto niyang kuhain na kurso, Ano bang pinili niya?"
"Ayun kurso sa pagluluto ang pinili! Balak ata maging kusinera!"
Alam niyang dissapointed sakanya ang kanyang ina. Ngunit hindi niya talaga kayang maging katulad ng mga ate niya.
"Mare hindi naman sa pagiging guro o doktor o enhinero o nurse lang nagiging successful ang mga batang yan. May kanya kanya silang talento na pwede nilang maging tagumpay."
Napangiti siya kay Aling susan. Natumbok nito ang nais niyang iparating sa kanyang ina
Natahimik naman ang kanyang ina.
"Ma baka mag away pa kayo ni aling susan. Mag change topic na nga kayo. Maluluto na tong chicken curry doon na kayo mag hintay sa lamesa"
Tinaasan lang siya ng kilay ng kanyang ina.
"Halika na nga susan." Nauna nang lumabas ang kanyang mama at sumunod doon si aling susan.
Kahit galit ito sakanya hindi naman siya nagtatanim ng galit sa mama niya. Pinapalagpas nalang niya ang mga sinasabi nito.
"Gelyn nakita mo ba ang sapatos ko?"
Napalingon siya sa ate Geraldine niya. Mukhang aalis ito.
"Nasa gilid ng hagdanan ate.."
"Okay. Ang bango naman ng niluluto mo. Bilisan mo mag luto para makatikim ako bago ako umalis"
"Saan ka pupunta ate?"
"May date ako. Huwag kang maingay kay mama" bulong ng kanyang ate
"Sama ako ate? Chaperon?"
"Huwag na para makapag asawa nako. Malapit ng mabulok ang matres ko baka maunahan mo pa ako eh"
Napahagikgik silang dalawa. Lahat ng mga ate niya ay mababait sakanya ngunit ang ate Geraldine niya ang pinakaclose niya sa lahat kahit nga credit card nito pina-paubaya lang sakanya.
"Bata pa ako ate wala pa sa isip ko yan. Hangang crush lang ako"
Pinatay niya ang kalan ng maluto na niya ang chicken curry at sinalin niya iyon sa mangkok.
"Asus! Eh bakit may nakita ako sa cellphone mo? May kadate ka kahapon!" Kinurot ng ate niya ang kanyang tagiliran kaya muntik ng matapon ang hawak niyang ulam
Namula ang pisngi niya dahil picture nila iyon ni Zach Hoffman kahapon sa coffee shop.
"Ate talaga oh. Crush ko lang yun ate hindi kami nag date"
"Ang gwapo ha? Akala ko nga artista eh. Kaso parang nakasimangot naman sa picture"
Natawa siya dahil nakasimangot naman talaga si Zach sa litratong iyon.
"Ate gwapo talaga yun!"
"Shh wag kang maingay sige ka pag narinig ka ni nanay. Bilisan mo na diyan tapos maligo kana din isasama nalang kita tutal linggo naman ngayon"
"Ililibre mo ba ako ate?" Paninigurado niya
"Bakit may pera ka ba?" Balik nitong tanong sakanya
"Wala"
"Wala naman pala eh. Edi Syempre ililibre kita!"
Todo ngiti siya dahil naboboring na din siya sa kanilang bahay.
"Saan ba kayo mag date ate?" Bulong niya
"Sa Ayala mall--"
"Huwag dun ate panget don. Sa Hoffman mall nalang tayo!"
Na-excite siya dahil nagbabakasakali siyang makikita niya si Zach sa Hoffman mall ngayon.
Hindi kasi siya makalakwatsa ngayon dahil hindi sya pinapayagan lumabas ng mama niya.
Mabuti nalang inaya siya ng ate niya
"Sige maganda din naman doon. Teka parang kilala ko na yung lalake na kasama mo sa picture!"
Nanlaki pa ang mata nito
Todo ngisi naman siya
"Diba hoffaman yun?!"
Tumango siya habang malaki ang pagkakangiti niya
Sinabunutan siya nito ng pabiro
"Ang haba ng hair mo ha! Paano mo nalapitan yun?" Pag uusisa ng ate Geraldine niya
"Secret ate!"
"Hoy kayong dalawa diyan hindi pa ba luto ang ulam? Gutom na kami nila mareng susan!" Sigaw ng mama niya
Sabay silang natawa ng ate niya
Dali dali nilang nilabas ang ulam. Nakahain na din ang mga pingan at kubyertos sa lamesa. Nandoon na din ang ibang mga ate niya.
Ngunit napasimangot siya dahil may isang lalakeng nakaupo doon at todo ngisi ito
"Hi cutie pie!" Bati ni richard sakanya
Katabi ito ni aling susan
Napa-Irap nalang siya at inilapag na niya ang napakabangong chicken curry sa gitna ng lamesa
"May asungot nanaman" Bulong niya
"Papa, Mama aalis kami ni Gelyn ngayon may bibilhin ako mag papasama lang ako." Paalam ng ate Geraldine niya
"Osige mag iingat kayo" Sabi ng papa niya
Hindi naman kumibo ang mama niya. Mukhang naaamoy nitong may date ang ate Geraldine niya
"Sama ako!"
Napatingin siya ng masama kay Richard.
Kahit kailan epal talaga ito sa buhay niya.
"Hindi pwede!" Supladang sagot agad niya
"G-Gelyn isama na natin si Richard t-taga buhat ng bibilhin ko" Pag sisinungaling ng ate niya dahil nakatingin ang mama nila
"Oo nga isama niyo nako para magamit ko yung muscles ko sa pag buhat ng mga bibilhin niyo"
Masayang masaya ito na para bang nanalo sa lotto.
Wala na tuloy siyang gana kumain! Panigurado sisirain nanaman ni Richard ang araw niya!