Chapter 6
"Nakabusangot ka nanaman? Ang ganda ganda mo pa naman. Sige ka tatanda ka agad niyan!"
Lalong kumulo ang ulo ni Gelyn dahil sa sobrang inis niya kay Richard. Paano ba naman buong araw siya nitong inaasar. Mula ng umalis sila sa kanilang bahay upang samahan ang kanyang ate ay kanina pa ito nagpapakita ng motibo sakanya
Bata pa lang sila alam niyang may gusto sakanya si Richard idagdag pang botong boto dito ang magulang niya.
"Lalo kang gumaganda pag nagsusungit ka" todo ngiti ito habang nakatingin sakanya
Gwapo naman ito at matangkad rin. Ngunit sadyang nakuha na ni Zach Hoffman ang kanyang puso. Mukha lang itong maitim na libag kumpara kay Zach Hoffman
Fine! Hindi naman maitim na libag. Grabe naman ako don! Hindi naman ako ganon kasama para ikumpara siya sa baby Zach ko. Pero walang wala talaga siya eh!
Hindi nalang niya ito pinansin. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang sikat na fast food chain sa loob ng Hoffman's mall.
Hinihintay nila ang kanyang ate dahil kasama nito ang boyfriend nito. Hinayaan nalang muna nila ito makapag solo. Ang usapan nila isang oras lang at babalik na ito ngunit mag dadalawang oras na wala padin ito.
Mabuti nalang nag iwan ito ng pera para makakain silang dalawa ng asungot niyang kasama.
"Magsalita ka naman Gelyn. Mapapanis ang laway mo niyan sige ka"
sinimangotan niya lang ito at nagpatuloy nalang siya sa pag kain ng kanyang hamburger.
Kanina pa siya naiinis dahil pakiramdam niya nag de-date din sila ni Richard.
Kainis! Sumama pa kasi tong lalakeng to.
"Bakit ba kasi sumama-sama ka pa?"
Kumislap ang mga mata nito na wari bang nanalo sa lotto dahil sa wakas pinansin na din niya ito
"Ang ganda mo talaga" Wala sa sarili nitong sabi sakanya habang nakatitig sa kanyang mukha
"Tse! Isumbong kaya kita sa girlfriends mo?"
Balitang balita kasi sa paaralan nila na papalit palit ito ng babae! Iyon ang number one na turn off para sakanya.
Hindi katulad ng Zach ko! Umiiwas sa mga girls dahil may goal sa life! Hindi katulad ng libag na to. Nagkaroon lang kaunting itsura nagbilang na agad ng mga babae!
"I-break ko naman sila pag sinagot mo nako" puno ng kumpyansang pagyayabang pa nito
"GGSS ka talaga eh no"
"Ano yun?"
"Gwapong gwapo sa sarili! Kadiri kaya!"
Natawa ito at ginulo ang kanyang buhok.
Tinabig niya ang kamay nito "Ano ba!"
"Gwapo naman talaga ako eh!" Kinurot nito ang pisngi niya
"Miss beautiful!"
Sabay silang napalingon ni Richard sa taong tumawag sakanya.
Boses palang ni Lucifer kumabog na ng husto ang puso niya!
Dahil nasisigurado niyang kasama nito si Zach! Kaya hinanap niya agad ito ngunit si Lufer lang ang naroon. Napatayo agad siya at lumapit dito.
"L-Lufer mag-isa ka lang?" Tanong niya kay Lufer habang hinahanap hanap ng kanyang mata sa paligid si Zach.
"Ngayon Oo mag isa nalang ako. Nawala bigla si bossing katabi ko lang kanina eh" napakamot ito sa ulo nito
"Gelyn don't tell me sa isang mahabang baba na lalake mo lang ako ipagpapalit?"
Pareho silang napakunot nuo ni Lufer sa sinabi ni Richard.
Ito pa ang isa sa pinaka-ayaw niya sa ugali ni Richard. Bukod sa babaero ito masama pa ang tabas ng dila nito sa ibang tao!
"Aba sinong mahabang baba ang sinasabi mo ha!" Asik ni Lufer kay Richard
"Ikaw! Wag kang yuyuko" tawa ito ng tawa
"Alam mo Richard walang nakakatawa. Huwag mong pagtawanan yung kaibigan ko!" Pagtatangol niya kay Lufer
"Jokes lang!"
Inirapan niya ito at hinarap si Lufer
"Lucifer este Lufer pasensya kana ha?"
Masama padin ang loob ni Lufer at nakatingin ito ng masama kay Richard
"Miss beautiful dapat nag iingat ka sa mga sinasamahan mo." Napapa-iling lang si Lufer bago ito naglakad palayo. Wala siyang nagawa kundi hayaan nalang lumayo ito. Marahil na-offend talaga ito dahil maraming nakarinig.
"Sorry Gelyn joke ko lang naman yun"
"Hindi lahat ng oras nakakatuwa yung mga biro mo. Minsan nakakasakit kana ng ibang tao"
Sa sobrang inis niya iniwanan niya ito sa loob ng fast food.
Hahanapin nalang niya ang ate niya sa mall upang makauwi na sila.
At higit sa lahat baka sakaling makita niya si Zach sa mall dahil nandoon daw ito!
Bakit kasi hindi ko dinala ung cellphone ko eh!
"Gelyn please naman oh? Sorry na. Akala ko kasi ipagpapalit mo ako sa lalakeng yun. Akala ko wala kang taste" Pinipigilan nitong matawa dahil naaalala nito ang itsura ni Lufer
Lalo lamang siyang naturn off kay Richard dahil sa masamang ugali nito
"Ang kapal mo no? Unang una hindi kita boyfriend ni hindi nga kita friend eh! Mas gwapo pa talaga sayo si Lufer dahil nakakasuka yang ugali mo."
"Pakipot ka lang eh" mayabang nitong sagot sakanya pagkatapos ay inakbayan siya nito
Tumayo yata ang lahat ng buhok sa kanyang katawan dahil diringdiri siya sa ginawa nito
Mabilis siyang kumawala sa bisig nito mabuti nalang pinakawalan din agad siya nito
"Bwisit ka! Huwag mo nako uli aakbayan kung hindi isusumbong kita kay mama!"
Tumawa ito "Isumbong mo. Hindi naman naniniwala sayo sila tita kahit ano pang gawin ko sayo"
Akmang lalapitan siya nito muli at yayakapin ng bigla nalang may sumapak dito
Nanlaki ang kanyang mata dahil si Lufer iyon!
"Aw!" Hawak hawak ni Richard ang panga nito na tinamaan ng suntok ni Lufer. Panigurado nasaktan ito dahil namilipit ito sa gilid ng mall. Marami na din mga tao ang nakatingin sakanila.
"May nag utos lang sakin sapakin kita. Trabaho lang pare walang personalan. Gusto mo saksakin kita ng baba ko eh"
M-may nag utos?
Nagpalingon lingon siya sa paligid ngunit hindi naman niya makita ang taong hinahanap niya. Maraming tao sa paligid ang naki-usyoso kaya mas nahirapan siyang hanapin kung naroon ba si Zach.
Sa sobrang hiya ni Richard tumakbo ito palayo.
"Lufer sinong nag utos sayo?" Tanong niya kay Lufer ng makaalis na rin ang mga tao.
"Secret ko na yun Miss beautiful.. Halika na sumabay kana raw samin pauwi—"
"Gelyn!" Boses iyon ng ate niya
"Ate!"
"Anong nangyari kay Richard? Nakasalubong ko siya tumatakbo palabas sa mall—"
"Mahabang istorya ate! Mamaya ko nalang kwento sayo"
"Sino naman siya?" Tanong ng ate nya at ang tinutukoy nito ay si Lufer
"Si Lufer ate kaibigan ko yan"
"Mabuti hindi Lucifer naging pangalan ko ha" Mahinang bulong ni Lufer sakanya bago ito nakipagkilala sa ate niya
"Hello Lufer. Pasensya kana kailangan na namin umuwi ng kapatid ko"
"Isabay na namin kayo!" Alok ni Lufer
"Sige!" Todo ngiti at walang pag-alinlangan niyang sagot
"Naku hindi na Lufer kasi ihahatid kami ng boyfriend ko" Tangi naman ng ate niya.
"Ganoon ba? Osige mag iingat kayo miss beautiful ha. Mauna nako kanina pa nag hihintay si boss"
"Nasan siya?!"
"Secret!"