Chapter 7 "Ano nanaman kalokohan ang ginawa mo Gelyn? Pati ang ate mo dinadamay mo pa sa kalokohan mong bata ka?" Pinigilan nalang ni Gelyn ang pag tulo ng kanyang luha. Palagi naman ganoon ang kanyang ina. Siya lang palagi ang may mali sa paningin nito. "Ma ako po ang may mali. Sinama ko lang si Gelyn--" "Kahit na! Nakakahiya kay mareng susan! Namamaga ang mata ng anak niya dahil sa kapatid mo." Nagkatinginan lang sila ng kanyang ate. Ngumiti siya ng kaunti upang huwag na ito mag alala sakanya. "M-Ma sorry na. M-Mag sosorry nalang ako kay aling susan-" "Sorry sorry! Diyan ka magaling sa pag hingi ng sorry! Kailan ka kaya titino?" Napalunok nalang siya at sinubukan padin niya pasiglahin ang kanyang boses. "M-Ma tama na po yan" Pagtatangol sakanya ng isa pa niyang kapatid. Ang kany