Pabiling-biling ako sa higaan. Hindi mapakali. Bukod sa ilang araw ng hindi kami nag-uusap ni Mama, hindi rin ako nakakatanggap ng kahit anong tawag kay Hans. Sa umaga, nawawaglit sa isip ko ang mga iyon dahil abala ako sa trabaho pero ngayong nakahiga na ako at nag-iisa sa tahimik na gabi, binabagabag na naman ng isip ko. Ilang sandali pa akong tulala sa kawalan bago ako bumangon muli at inabot ang cellphone. Nagmamadali akong i-type ang password noon. I immediately dialed Hans’s number at nagbakasaling may sumagot na roon. Gayunpaman, umabot na ako sa pang-apat na tawag, wala pa rin. Pagod kong ibinagsak muli ang katawan sa higaan. Sa totoo lang ay gusto ko nang magalit pero mas nangingibabaw ang kaba sa akin. Sa dami ng iniisip, hindi ko na namalayan na hinila ako ng antok. Nagising

