HINDI alam ni Augustus kung bakit ganito na lang ang pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ang mortal na si Veronica. Hindi niya magawang kontrolin ang kanyang sarili. Hindi niya magawang diktahan ang kanyang mga desisyon at mas lalong hindi niiya kayang iwasan ang totoong nararamdaman niya. Alam niyang papalapit na. Alam niyang papalapit na ang siyang kinatatatkutan niya nang husto. Ang bagay na siyang hudyat ng tuluyan niyang pahina. Alam niyang iyon ang napakahirap na labanan sa lahat ng magiging desisyon niya at alam niya kung sakaling darating ma ito ay wala siyang ibang magawa kung hindi ang magpapalunok na lamang sa kanyang nararamdaman at hayaan na lamang na lamunin siya nito. “Sa tingin mo, tama itong ginawa natin Veronica?” hindi alam ni Veronica kung patanong ba iyon o galit n