TULAD ng nakasanayan ni Veronica ay nagtungo ito sa gubat upang makipagkita sa kay Augustus. Tuwing hating gabi ang pagkikita nila. Hindi kumpleto ang araw ni Veronica kung hindi niya nakikita si Augustus at kailanman ay hindi siya magbabago para dito. Masaya siyang kasama ang immortal na si Augustus. Alam ni Veronica na maikli lang ang buhay niya kumpara sa buhay na mayroon ang lalaking minahan niya. Kaya kailangan niyang sulitin ang pagkakataong mas maaga pa ang lahat. Kailangan niyang ibuhos ang lahat ng oras na mayroon siya para sa isang bagay na alam niyang magiging masaya siya. Wala siyang pakialam kung saan man hahantong ang lahat ng ito. Basta ang tanging alam lang nkya ay masaya siya at iyon lang ang mas importante. “Kanina ka pa? Natagalan ako sa pagdating gayong matagal