“Kailangan niyo balak na lisanin ang bundok na ito?” ang tanong ni Augustus sa gitna ng kanilang paglalakad. Hindi kaagad lumingon si Veronica dito sa halip ay mas niramdam na pa niyang presensya nitong gubat kasama si Augustus. Pakiramdam niya ay mas lalong naging maganda ang imahe ng bundok na ito lalo na ngayong kasama niya ang nilalang na siyang nagpapasaya sa kanya nang husto. Si Augustus. Kanina pa sila naglilibot sa gitna ng kagubatan na ito at buong sandali ay tahimik lang si Agustus kaya hindi niya mawari kung bakit bigla na lang nitong natanong ang ganoong klaseng tanong sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas at napabaling rin ito sa binata. Nasa kalagitnaan sila nitong makapal at tahimik na gubat. Alas 4 pa lang kaya hindi sila pwedeng lumabas sa gubat gayong hindi pweden