Chapter 8

2253 Words
Miranda’s POV “O, bakit tahmik ka, Miranda?” ang tanong nabungad sa akin ni Olivia. Kanina pa klami nakauwi mula sa kagubatang iyon. Naun ana akong umuwi sa kanila hindi pa man nagdilim habang sila ay hindi nagtagal sumunod naman sa akin. Siguro nahalata nila ang pananahimik ko. Siguro nahalata nila ang seryoso kong mga atensyon. Wala namang hindi matatahimik sa bagay na aking nasaksihan kanina. Alam kong may mali. Hindi ko alam ngunit malaki ang pagsisisi ko at hinid ko siya nilingon kaagad. I wanted to see his face, his voice, and his presence. Gusto kong alamin ang pagkatao niya at kung anong klaseng nilalabang ba siya. Buiit he faded away. Parang kay bilis ng hangin ang kanyang pag-alis at hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa at kung anong klaseng nilalang ba siya. “Hindi ka yata sumunod sa amin kanina. Nag-alala kami ni Amanda kanina dahil buong akala namin ay tuluyan ka nang naligaw. Ano ba yan, Miranda. Sabay tayong pumunta sa bundok kaya sabay din naman sana nating libutin itong buong gubat. Hindi iyong mag sarili kang mundo.” Si Olivia na may halong pagtatambpo. Humugot ako ng hininga habang hinahanda ang saril para sa muling pagsasalita. “Sorry, hindi na iyon mauulit pa,” ang tanging lumabas sa aking bibig at bukod doon ay wala na akong ibang nasabi pa at naging galaw kung hindi ang umiwas na lamang ng tingin sa kanila at ituon iyon sa loob ng kagubatan. My curiosity goes wilder and wider. Habang patagal nang patagal ang pananatili ko sa bundok na ito ay mas lalo lang lumapad ang aking pag-iisip at hindi ko alam kung tama ba ako doon. Hindi ko alam kung tama ba ako nang iniisip. I want to know the truth the thing behind everything. Lahat lahat na aking nasaksihan sa araw na ito. Alas tres pa lang ay nasa tent na kami. Kitang-kita ko ang pagod nina Olivia at Manda kasama ang dalawang boys. Pagod dahil sa alam kong sap ag-aakyat sa bundok. Nasa loob na sila ng tingin habang ako ay hinid ko man lang magawa ang pumasok sa loob. Sa gubat na iyon nakatuon ang aking atensyon at hindi ko alam kung kailan ko gustong iiwas doon ngunit isa lang ang nais ko at iyon ay ang alamin ang kaniyang pagkatao. Tumingin ako sa kanila. Tahimik na sila ngayon. Sa puntong ito ay unti-unti na namang umiral ang aking kuryusidad. Hindi na ako naghintay pa nang ilang segundo at kaagad rin akong tumayo at muling nagtungo sa loob ng kagubatan. Alas tres na at ramdam na ramdam ko na ang dilim nitong gubat. Ramdam na ramdam ko ang amatahimik at walang malay na kagubatan. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan ko nang marating ang kaloob-looban nitong gubat at tulad ng inaasahan ko ay ang walang laman at walang kabuhay-buhay na kagubatan. Mabilis kong tinahak ang direksyon ko kanina. Alam kong sa lugar na iyon ko lang siya makikita at alam kong sa pamamagitan lang ng pangyayaring iyon. Napahinto ako nang makarating ako sa malaking punong iyon. Kasabay ng paglilibot ng aking atesnyon ay ang pagdahan-dahan ng aking paghakbang papalapit pa lalo sa malaking punong iyon. “Magpakita ka!” sigaw ko. Alam kong naririnig niya ako sa puntong ito. Alam kong nakikita niya ako dito ngunit hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya sumagot o ang lumabas at magpakita man lang sa aking harapan. Nang makarating sa mas malapitan sa tapat nitong malaking puno ay hinanap ko kaagad ang markang aking nahagilap kanina. Gamit ang mapanuyo kong mga mata ay masuyo kong pinagtuunan ng pansin ang malaking puno na iyon at ngayon ay hindi ko maiwasan ang mapakunot ng no. Lalo pa ngayong hindi ko na kailanman nakikita ang markang iyon. Gamit ang aking kamay ay mabilis kong hinawakan ang punong iyon. Hindi ako nagkakamali at sa parting ito ng puno ko nakita ang markang iyon. Ngunit hindi ko alam kung bakit kusa na lang iyong nawala. Hindi ko na rin natatandaan ang pangalang nakaukit dito kanina. NI kunting bakas ng pagkakaukit niyon dito ay wala akong makita kaya nagtataka ako kung bakit at ano ang kaya nilang gawin. Kung bakit sa dami ng aking mga kasama ay ako pa itong pinili nilang abalahin. Mas lalo lang naging tahimik itong gubat nang tumigil ako sa pagsigaw. Lumawak sa buong kagubatan ang boses kong iyon kanina kaya alam kong rinig na rinig na niya ako ngayon dito sa puntong ito. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi man lang niya ako pinansin o ang lumitaw man lang sa aking harapan. Sa kung saan saang sulok nitong kagubatan na ako lumingon ngunit hindi ko magawa ang mamataan siya. “Magpakita! Alam kong naririnig moa ko!” muli kong sigaw ngunit sa puntong ito ay mas malakas na. Napahawak ako sa aking balikat lalo pa nang mapansin ko ang malamig na bugso ng hangin sa aking kapaligiran. Mabilis na tumindig ang aking balahibo sa puntong ito ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Tulad ng ginawa ko kanina ay sinundan ko ang malamig na bugso ng hangin na iyon. Iyon ang kakaibang hangin na siyang aking naramdaman kahapon lang. Iyon ang hangin na alam kong ang siyang maghahatid sa akin sa nilalang na iyon. Mabilis kong tinahak ang direksyon kung saan patungo ang bugso ng hangin na iyon. Hindi ako lumingon pabalik sa halip ay mas itinuon ko na lang ang aking atensyon patungo sa direksyon na iyon. Ngunit mabilis rin akong napahinto nang mamataan kong isang malalim na bangin ang siyang aking nadatnan. Alam kong hindi na ako pwedeng magpatuloy pa sa puntong ito at alam kong hanggang dito na lamang ako. Muli akong lumingon sa kagubatan at doon ay pansin na pansin ko pa rin ang pananahimik nito. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin? Kung tutuusin ay nasa aking likuran na siya ngayon at nagsasalita ngunit wala. “What do you want me to do?” ang tanging katatagan ang siyang lumabas sa aking bibig. Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga at sa puntong ito ay buo na ang aking isipan. Kasabay ng pagbitaw ko ng aking hininga at ang pagmulat ko ng aking mga mata ay ang siyang dahan-dahan ko sa paghakbang patungo sa bangin na iyon. Pumikit akong muli at walang nagdadalawang isip na hayaang bumagsak ang sarili sa bangin. Hindi ko alam kung ano ang nararapat kong mararamdaman sa puntong ito. Basta ang alam ko lang ay ang makahanap ng paraan upang makilala siya at nang makausap at makita ang kanyang presensya. I want to know and see his face. Marami akong tanong na kailangan niyang sagutin. Parang tumigil ang aking mundo. Hindi ko na alam pa ang susunod na nangyari. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito. Sa lalim ng bangin na tinatalunan ko ay di hamak na matagal akong tuluyang bumagsak sa lupa. Hindi nagtagal ay muli akong nabuhayan ng loob. Gusto kong idilat ang aking mga mata at igalaw ang aking kamay ngunit hindi ko naman magawa. Hindi ko magawa ang tumingin sa taong nasa aking harapan ngayon. Tulad ng palagi kong nararamdaman sa tuwing nararamdaman ko ang kanyang presensya ay ang malamig na hangin at kasabay ng bugso ng hangin na iyon ay ang paglitaw niya sa aking harapan. Sa sobrang bilis nitong pangyayari ay hindi ko na namalayan pa ang mga pangyayari hanggang sa maramdaman kong nasa tabi na ako ng bangin na ito. Parang tuluyan na akong nawalan ng lakas ng katawan. Siguro sa ginawa kong pagtalon sa bangin na iyon at wala naman sigurong taong hindi magugulat o ang matakot. Paano kung hindi siya dumating? Paano kung tuluyan akong nahulog sa bangin na iyon? Saan ako pupulutin? Para ko na ring ibinuwis ang buhay ko para lamang sa isang nilalang na kailanman ay hindi ko pa namataan at nakausap ni isang beses man lang. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at mabilis ko na ring hinawakan ang kanyang kamay. Nanatili pa akong nakapikit at alam kong kapag hindi ko iyon ginawa ay baka tuluyan na naman siyang mawawala sa aking harapan. Baka tuluyan ko na namang mapalampas ang araw na ito at ayaw kong mangyari ulit ang nangyari kanina. Ayaw kong mapalamapas pa ang pagkakataong makausap at makita ko siya nang harap-harapan. Alam kong hindi hindi ko siya mapapalitaw nang ganoon na lamang. Alam kong kay hirap niyang makita o ang makausap kaya sa puntong ito ay kailangan kong gawin ang lahat makausap at makita ko lang siya nang tuluyan. “Please stay,” ang boses na pinakawalan ko. Hindi ko alam kung takot ba o ang matinding kuryusidad ang siyang bumabalot sa boses kong iyon. Ngunit isa lang naman ang nais ko at iyon ay ang alamin ang kanyang pagkatao at kung ano ang ginawa niya sa gubat na ito. “Hindi mo dapat ginawa ‘yon. Paano kung wala ako? Maikli lang ang buhay ng mga mortal na tulad mo at kailangan mo iyong ingatan at pahabain at kailanman ay hindi nararapat na sayangin.” Wika nito sa akoin na siyang mas lalo pang nagpapalawak sa aking kuryusidad. Hindi ako nakagalaw lalo pa at kakaiba ang hatid sa akin sa mga boses niyang iyon. Malamig na malamig ang kanyang kamay na naimo’y walang dugong dumadaloy nito. Ni hindi ko alam kung may dugo pa ba ang dumadaloy sa kanya ngayon gayong parang kasing lamig ng tubig batis ang kanyang kamay. Nanatili pa rin akong nakapikit lalo pa at hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa akin sa puntong ito. Hindi ko pa rin maipaliwanag kung anong klaseng nilalakang ang taong ito at kung bakit kakaiba siya sa mga taong nakasalamuha ko. Sa mga kaibigan ko. Kakaiba siya sa akin. Hindi ako nagsalita sa halip ay marahan ko na lang na minulat ang aking mga mata at ang malawalak na kagubatan ang siyang bumungad sa aking paningin. Pansin na pansin ko ang matahimik na gubat. Alam kong nasa likuran ko lang siya ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang maramdaman ang kanyang presensya. Siguro dahil sa taglay niyang lamig sa kanyang katawan kaya kailanman ay hindi ako nakaramdam nang may kasama ako sa kagubatang ito. “Ano ang kailangan mo? Bakit moa ko sinusundan?” tanong ko at kasabay n’on ay ang pagdahan-dahan kong paglingon sa aking likuran at hindi nagtagal ay tuluyan ko na ring namataan ang kanyang atensyon. Hindi ko alam kung bakit habang dahan-dahan siyang lumitaw sa aking harapan ay pabilis nang pabilis rin ang t***k ng aking puso. Parang unti-unti nang nawawala ang takot sa akin sarili. Ang takot sap ag-aakalang mararadaman ko sa tuwing makilala ko na siya. I look at his pointed looks. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kung makatingin sa akin. Na para akong masarap na pagkain na animo’y anumang oras ay posible at maari niyang kaninin. Pansin na pansin ko rin ang bawat pagtiim bagang nito na alam kong dahil sa ginawa ko. I can’t explain the mood of his facial expression. Sa mga tingin niyaa ay parang ngayon lang siya nakakakita ng taong tulad ko. Na parang ngayon lang niya namataan at naramdaman ang isang presensya ng ibang tao. Hindi siya nagsalita sa halip ay nanatili lang itong nakatingin sa aking mga matas. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang manibago at mas lalo lang balutin ang aking pagtataka sa taong ito. He look so normal though ngunit ramdam na ramdam at alam na alam kong kakaiba siya sa tulad ko. Sa taglay niyang bilis at abilidad na alam kong kailanman ay hindi ko makikita sa mga taong tulad ko. Kung paano niya ako titigan ay parang seryosong-seryoso ito sa aking harapan. Umiigting pa rin ang kanyang panga. Ni hindi ko napansin ang bawat pagkurap niya sa aking harapan. Ni hindi ko napansin ang bawat pagbitaw ng kanyang hininga. Sa taglay na lamig mula sa kanyang kamay ay hindi ko alam kung humihinga pa bai to. Wala talaga akong nararamdaman ng lukso ng dugo doon ni sobrang lamig ng kanyang kamay at iba pang parte ng kanyang katawan. “Ikaw, bakit mo ako gusto makita? Bakit moa ko hinahanap?” tanong nito pabalik sa akin. Sa puntong ito ay tuluyan na akong napalunok ng sarili kong mga laway. Lalo pa at alam kong mahihirapan ako sa gusto kong gawin sa puntong ito. “Hindi kita sinundan. Ikaw ang panay ang sunod sa akin,” mahinang sambit ko at ni isang beses ay hindi ko inalis ang aking mga tingin sa kanyang mga mata. Nais ko lang labanan ang kanyang seryosong mga tingin at hindi pwedeng hindi. “Niligtas ko ang iyong buhay, binibining mortal. Huwag kang mag-alala at hindi na ulit iyong mauulit,” wika nito sa akin ngunit nakuha rin ang aking atensyon nang akmang aalis na sana siya upang lisanin ako. “Wait,” ang tanging wika ko at mas lalo lang humigpit ang aking pagkakahawak sa suot niyang shirt na alam kong lumang-luma na sa paningin. “Who are you? Anong klaseng pagkatao ang mayroon ka? Alam kong kakaiba ka sa amin,” wika ko kasabay ang mas lalong pagtitig ko sa mga mata nito sa aking harapan. I can clearly see his reddish and kissable lips. Hindi ko alam kung bakit putting-puti siya sa aking paningin. His lifeless eyes ang his emotionless face made my curiosity goes wilder and wider.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD