Alastair’s POV “Walang saysay!” malakas na sambit ko sa aking kaharian. Sa sobrang lakas ay may kaakibat iyong malakas na bugso ng hangin dahilan upang muntik nang mamatay ang mga ilaw sa buong kaharian ko. Hindi ko maipaliwanag ang siyang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong pumatay ng kalahi ko at ubusin silang lahat! “Sabihin mo sa mga kawal na gawin ang lahat makuha lang ang babaeng iyon! Hindi pwedeng hindi! Hindi pwedeng sirain ng hayop at traydor na ‘yon ang nakasanayan!” galit na sambit ko sa tauhan kong nasa aking harapan. Sa sobrang galit ko ay hindi ko maiwasan ang mapakuyom ng sarili kong mga kamao at kasabay n’on ay ang paglitaw ng aking pangil sa sobrang galit. Gustong kong pumatay na kalahi! Kung ang tulad na rin naman niya ang pipigil sa lahat ng plano ko ay mas