Augustus' POV Alas dyes na nang bumalik ako sa apartment ni Miranda. Doon ay hindi ko na siya nagawa pang abutan. Nakalimutan kong may pasok pala siya sa araw na ito. Hindi ako mapakali. Alam kong humahakbang na si Augustus sa mga oras na ito kaya hindi ako pwedeng magkamali. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis ko ring nilisan ang apartment at nagtungo sa paaralan. Kasing bilis ng hangin ang aking paggalaw. Lumipas ang ilang segundo at tuluyan na akong nakarating sa tapat ng paaralan. Akmang papasok na sana ako sa mismong tanggapan nang sitahin ako ng security guard. "Hindi ka pwedeng pumasok," malamig na boses ang kanyang binitawan. Tahimik akong napahinto. Hindi ko siya nilingon o ang pagtuunan man lang ng pansin. Huminto lang ako sa paghakbang at hinintay ang susunod