Cassius' POV "Ano ang gagawin ko?" Bungad na tanong sa akin ni Augustus. Hindi na ako nagulat pa sa sinabi niyang iyon. Inaasahan kong iyon ang unang tanong na ibubungad niya sa aming pag-uusap. Kapansin-pasin ang matinding galit sa kanyang mga mata na alam kong walang sino man ang makakapigil pa doon. Umiwas ako ng tingin. Alam kong ganitong tanong ang kanyang ibubungad sa akin. Lalo pa at sa puntong ito ay naguguluhan na siya sa nangyayari. Ang tanong niyang iyon ang inaasahan ko. "Baka mali ka lang nang nararamdaman, Augustus. Hindi maaring mangyari ang sinabi mong iyon. Paano niya napanatiling malakas ang kanyang katawan? Paano niya nagawang maging malakas sa loob ng ilang linggong pananatili sa mundo ng mga mortal? Impossible ang sinabi mo. Maaring mali ako ng pagkakasabi nguni