Miranda's POV Maaga akong pumasok sa paaralan. Kasabay ng paglabas ko sa aking apartment ay ang paglingon ko sa aking kapaligiran. Nakahinga rin ako nang maluwag nang mapansing wala akong naramdamang kakaiba doon. Tinahak ko ang daan kung saan binabalot pa rin ng makakapal na usok dahil sa mga maliliit na tindahang nakahilera sa tabing daan. Hindi ko na iyon pinasin pa sa halip ay nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Ilang minuto rin ang nakalipas at tuluyan na rin akong nakarating ng paaralan. Hindi kaagad ako pumasok sa gate nang makarating ako doon sa halip ay napatingala na lamang ako't pinagmasdan ang paaralang kinagisnan ko. Hindi ko inakalang mangyayari sa akin ang lahat ng ito. Mula sa labas nitong paaralan ay tumatakbo ang aking isipan sa loob nitong campus. Kumusta na