Miranda's POV HINDI ako nakagalaw. Tanging laman ng mga mata ko ay ang mabilis nilang paggalaw. Sa puntong ito ay hindi ko mawari kung anong klaseng nilalang sila. Hindi ko alam kung anong klaseng lakas ang mayroon sila. Hindi ko inakalang ganito pala kapanganib ang ponagkakatiwalaan kong si Salasar. Buong akala ko ay mapagkakatiwalaan ko siya. Tinuring ko siyang kaibigan kaya hindi ako makapaniwalang magagawa niya akong lokohin. Hindi ko na rin alam kung paano nagawa ni Olivia sa akin iyon. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya akong ilagay sa kapahamakan. Ang ipagkatiwala ako kay Salasar. Kasing bilis ng hangin ang kanilang mga galaw. Sa bawat tunog dahil sa pagtutulakan nila ay hindi ko maiwasan ang mapapikit. Lalo pa at sobrang nakakatakot ang kanilang mga galaw. "Tumigil na ka