Miranda's POV Maaga akong nagising. Tulad ng inaasahan ko ay ang imahe niya ang unang bumungad sa akin. Sa puntong ito ay nakatayo na siya sa aking harapan kaya hindi ko mawari kung bakit kay aga niya akong pinagmasdan. "Kanina ka pa ba gising? Anong oras na? " Tanong ko sa kanya. Ngayon ay seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin. "Gigisingin na sana kita kaso nagising ka. Handa na ang umagahan. Maligo ka muna at sasabay ka na sa akin patungo sa paaralan, " wika nito sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang palihim. Lalo pa at tumatatak sa aking isipan ang kanyang ginawa. Minsan ay hindi ko maiwasang isipan na baka isang araw ay bigla na lang siyang maglago sa aking harapan. Isang kung kailan nasanay na akong pagsilbihan niya. Nasanay na akong kasama siya sa aking paggising. H