Someone's POV Isang madilim na gabi ang siyang bumungad sa akin. Pansin na pansin ko ang katahimikang bumbabalot sa kapaligiran. Wala na rin akong napansing mga modernong mga sasakyan na siyang naglilipara sa daan. Napasinghap ako ng malalim na hininga. Pumikit ako't ninamnam ang hangin sa mundo ng mga mortal. Matagal tagal na rin nang huli akong nagtungo sa lugar na ito. Ilang daang taon ang limipas at sariwang-sariwa pa rin sa aking pandinig ang mga iyak niya at mga palo mula sa babaeng ponagkakatiwalaan ko noon. Ang mga naglalakihang gusali ang siyang bumungad sa aking paningin. Alam kong malaki na ang pinagbago ng lugar na ito sa lugar na aking kinagisnan ngunit naaninag ko pa rin ang munting bahay na nakatirik sa gitna itong lugar. Alam kong marami na ang pinagbago, ang datin