Augustus’ POV “Kung hindi mo magawang tapusin si Alastair ay ako mismo ang tatapusin, Augustus.” Mabilis na sambit ni Cassius ngunit bago pa man siyang makapagsalitang muli at makagalaw ay mabilis ko rin siyang hinarap. Halata sa aking paningin ang matinding galit. Sa bawat pagtingin ko sa kanya ay halatang handa na akong umatake at ilabas ang galit sa aking sarili. Hindi ko alam ngunit ramdam na ramdam ko na ang lakas na mayroon ako ngayon. Parang may kung sinong nagbigay sa akin ng lakas at hindi ko alam kung sino. Gamit ang aking lakas ay mabilis ko siyang hinawakan sa kanyang leeg at pinasandal sa pader. Kasing-bilis ng hangin ang aking paggalaw. Sa sobrang galit ko ay wala na akong ibang nais pa kung hindi ang malaman ang totoo. Ang totoo sa likod ng lahat ng ito. Punong-puno ng mg