Augustus’ POV “Panginoon, nanganganib na naman siya. Nasa gitna siya ng kagubatan at rinig ko’y nagpapadala ng tauhan si Alastair upang dukutin siya,” mula sa aking upuan ay mabilis akong napatayo. Lalo pa nang marinig ko ang mga katatagang iyong mula sa aking tauhan. Mabilis na nakuha ang aking atensyon dahil doon. Hindi na ako nagbitaw pa nang ilang katatagan at mabilis pa sa hangin akong nagtungo patungo sa gubat na iyon. Wala nang ibang laman ang aking isipan sa puntong ito kung hindi ang kanyang presensya lang. Wala na akong ibang hangarin sa mga oras na ito kung hindi ang mailigtas ang mortal na nilalang na iyon mula sa mga bitag ni Alastair. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang palagi. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang niyang nilalagay sa panganib ang kanyang s