Augustus' POV “May tao ba rito?” ang boses na siyang pinakawalan niya. Mabilis akong napahilig sa puno kung nasaan ako naroroon sa mga oras na ito. Alam kong pansin na pansin na niya ang kakaibang pakiramdam sa loob ng kagubtanang ito. Alam kong pansin na pansin na niya ang aking presensya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Paarang unti-unti na naman yatang nangyari ang kinatatakutan ko. Parang unti-unti na naman yatang nangyayari ang bagay na siyang naranasan ko ilang siglo na ang nakalipas, ang pangyayaring alam kong maglalagay sa akin sa panganib. Hindi ako gumalaw mula sa aking kinaroroonan sa halip ay mas lalo lang akong napahilig sa malaking puno. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. Ni kunting galaw niya ay wala akong pinapalampas. Ngunit hindi ko alam kung