Alastair’s POV ISANG madilim na kagubatan ang siyang bumungad sa akin. Alam kong galing sa gubat na ito ang sigaw na iyon. Hindi ko alam ngunit malinaw na malinaw sa aking paningin ang boses niyang humihingi ng tulong. Mula sa boses niyang iyon ay parang tinatawag niya ang aking presensya upang siya ay tulungan ko. Hinding-hindi ako maaring magkamali at sa gubat na ito galing ang boses na iyon. Nilibot ko ang matahimik na gubat gamit ang aking paningin. Mabilis akong napahinto nang mapansin ko ang isang nilalang na ngayon ay nakahiga lamang sa kabilang sulok nitong gubat. Mabilis ko itong nilapitan at doon ay pansin na pansin ko ang kasuotan nitong binabalot na ng napakaraming dugo at ang damit nito ay gutay-gutay na. Tiningnan ko siya sa kanyang mukha at doon ay pansin na pansin ko an