Miranda’s POV Nagising akong walang ibang maramdaman kung hindi ang panlalamig ng aking katawan. Buong akala ko ay pinapaligiran ako ng yelo ngunit nagkakamali ako. Nang tuluyan ko nang naimulat ang aking mga mata ay unang bumungad sa akin ang gawi ng isang lalaking walang suot pang-itaas. Napakunot ako ng sarili kong noo. Mula sa kanyang likuran ay pansin na pansin ko ang kurba ng maskulado niyang katawan. Hindi ko mawari kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng pagtibok ng puso sa puntong ito sa halip ay tanging ang aking isipan ang siyang nanaig sa akin. Alam kong sobrang lapit sa akin ang lalaking ito. Tanging ginawa ko lamang sa puntong ito ay ang mapatitig sa kanya at hayaang lummipas ang ilang segundo doon. “Augustus,” ang unang lumabas sa aking bibig. Hindi rin nagtagal ay tul