Miranda’s POV “Alam mo bang iba ang pakiramdam mo sa Salasar na iyan, Miranda? Saan mo ba napulot iyang lalaking ‘yan at panay ang sunod niyan sa ‘yo ngayon?” usisang tanong sa akin ni Olivia. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang matinding kuryusidad. Ang pagdududa ay halatang-halata pa rin sa kanyang mga mata at ekspresyon na animo’y wala talaga siyang tiwala sa lalaking ito. “Sa canteen. Hindi ko alam at bigla na lang lumapit sa akin kanina. Ano bang nakita mo sa kanya at ganyan na lang ang pagdududang mayroon ka, ha?” tanong ko sa kay Olivia. Nakatuon ngayon ang aking atensyon sa kanyang mga mata. Minsan pa ngang napalingon si Olivia sa kay Salasar na halata sa tingin nito ang matinding pagdududa. Hindi ko alam. Napatingin na rin ako sa kay Salasar ngunit wala naman akong