Miranda’s POV Sa puntong ito ay dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang atensyon sa aking mukha. Kasabay ng paglapit niya ay ang pagdahan-dahan kong pag-iling sa kanya lalo pa at masyado na siyang nakakailang kung titingnan. Alam ko rin na nakatitig lang sa aking mga mata ang kanyang paningin ngunit pinilit ko na lang iyong ininda lalo pa at wala na naman akong magagawa gayong kahit saang banda titingnan ay nakakataas pa rin siya sa campus na ito. Ngunit wala namang mali sa binitawan kong salita. Lalo pa at kahit saang banda tingnan ay wala naman akong kasalanan sa kanya at kailanman ay hindi ako nakakagawa ng nakakalabag sa batas nitong paaralan kaya wala siyang karapatang ipatawag ako dito at guluhin ang aking pag-aaral. “K