Miranda’s POV “Oo, bakit madilim na madilim iyang emosyon mo?” bungad sa akin ni Olivia nang pumasok akong muli sa history class. Ngunit sa puntong ito ay hindi ko na nakita pa ang aming professor. Sa puntong ito ay kanya-kanya na lang sa kanilang ginagawa ang mga kaklase ko. “Nasaan na si Ma’am? Bakit kay aga niyang lumabas?” tanong ko sa aking kaibigan. “Nagbigay lang siya ng pasulit saka lumabas kaagad,” rinig kong wika ni Salasar kaya mabilis rin akong nabapaling doon. Sa mga mata niya dumapo ang aking atensyon at sa puntong ito ay muli ko na namang namataan ang seryoso niyang mga tingin sa akin. Hindi nagtagal ay bumaling rin akong muili sa kay Olivia. “Bakit parang bumagsak sa mukha mo ang langit at lupa? Ano ang problema, besh? Saka bakit pinapatawag ka na naman