“Ngayon na ang gabi ng kabilugan, panginoon. Ang gabi ng itinakda. Wala ka bang gagawin?” ang bungad sa kawal ni Augustus. Hindi bumaling ng paningin si Augustus sa kanyang kawal sa halip ay nanatili lang itong nakatingin sa kung saan man ito nakaharap ngayon. Madilim na silid ang siyang nakapalibot ngayon sa sarili ni Augustus. Hindi man lang niya magawa ang gumalaw gayong pakiramdam niya ay may nag-uudyok sa kanya dahilan upang mas lalo siyang manghina. Mas lalo lang napatikom ng kamao si Augustus. Hindi niya kayang tingnang nasasaktan ang babaeng mahal niya. Hindi niya kayang tingnan nang harap-harapan ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso. Si Veronica. Hindi niya kaya ngunit hindi naman niya ito magawang iligtas. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa puntong ito lalo pa a