Miranda’s POV “Ngayon ay alam mo na kung bakit nais kong lisanin ninyo kagubatang ito,” ang malamig niyang boses ang siyang bumalot sa aking pandinig. Ni hindi ko magawang gumalaw mula sa aking kinatatayuan. Hindi ko magawa ang magsalita ni pakiramdam ko ay pati hininga ko ay tumigil na rin. Hindi ko inakalang ganoon pala ang nangyari sa kanyang nakaraan. Kitang-kita ko ang bawat detalye ng kanyang nakaraan at hindi ko alam kung bakit ramdam na ramdam ko ang lungkot na hatid nito. Ni hindi ko na namalayang pumapatak na pala ang likido sa aking mga mata. Sobra akong nasaktan sa nangyari sa kay Veronica, ang babaeng naging parte ng kanyang nakaraaan ngunit hindi ko alam kung bakit may takot na nabubuo sa aking puso. Kasabay ng pagbalik sa aking presensya sa aking katawan ay ang