Augustus’ POV “Kung hindi mo kayang labanan si Alastair sa mundong ito ay maari mo iyong gawin sa ibang mundo. Sa mundo ng mga mortal…” ang katatagang pumukaw nang husto sa aking atensyon. Hindi ko lubos maisip na may ganitong klaseng paraan rin pala. Ang paraan na hindi ko inakalang maaring mangyari. Mula sa aking kinatatayuan ay marahan akong naglakad papunta sa aking tauhan. I look at his eyes seriously at sa puntong ito ay desperado na ang aking isipan at iyon ay ang gawin ang paraang tinutukoy ng aking tauhan. Ni hindi ko inakalang may ganitong paraan palang nakatago sa haba ng panahong pananatili ko sa kagubatang ito. Hindi ko inakalang may paraan pa pala upang malabanan ko si Alastair. “Paano iyon gagawin? Sabihin mo!” halata sa aking boses ang matinding pagkakapanabik.