Miranda’s POV Hindi ako mapakali buong sandali. Hindi ko magawang patahimikin ang aking isipan lalo na at ang lalaking iyon lang ang tanging laman ng aking isipan. Hindi ko magawang alisin siya sa aking utak lalo pa at alam kong hinding-hindi ako mapapatahimik hanggang sa hindi ko siya siya nakakausap muli. Alam kong ang lalaking nagligtas sa akin sa sulok na iyon at ang lalaking guidance counselor na nakasalamuha ko kanina sa guidance office ay iisa lamang. Lalo pa at marami siyang kilos na nakakapagtataka. Hindi ko alam kung saan galing ang letratong iyon na nakalagay sa monitor lalo pa at alam kong wala ni isang cctv ang naroon. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako natunton doon at ang mas nagpapabagabag sa aking isipan ay kung ano ang ginawa niya at natalo niya ang mga lalaking si