Miranda’s POV “Ano ba! Bitawan niyo nga ako!” sa puntong ito ay malakas na boses na ang pinakawalan ko. Halos naubuga ko na ang aking boses ngunit hindi ko pa rin magawang kumawala sa lalaking nasa aking harapan ngayon. Bumulabog sa kabuuang sulok na ito ang aking boses ngunit alam kong walang sino man ang makakarinig sa akin kahit anong lakas ng boses ang siyang pakakawalan ko. Kapansin-pansin ang mga ngitii nila na halatang nag-eenjoy silang nahihirapan ako. Alam kong sanay na sila sag anito. Siguro nga sila ang mga taong nasa likod ng pagkawala ng ibang estudyante sa sa campus na ito. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng matinding takot at matinding pag-aalala. Kung makakalabas pa ba ako ng ligtas sa lugar na ito o hindi na. Hindi ko alam. Alam kong wala sino man ang makakar