Miranda’s POV “Hindi ka ba kakain?” hindi ako bumaling sa kay Olivia. Nanatili lang akong nakatingin sa malawak na playground na siyang tanaw na tanaw ko sa aking harapan. Hindi ko pa rin maintindihan ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay nasasaktan ko nang lubos ngunit hindi ko naman alam kung sino at bakit. Matinding sakit ang siyang nararamdaman ko ngunit hindi ko alam kung ano naman ang dahilan ng mga iyon. “Susunod ako,” mahinang sambit ko habang nakatingin pa rin ako sa malawak na ground sa paaralan. Ngayon ay tanaw na tanaw ko ang mga estudyanteng naglalakad sa malawak na ground sa campus at iyong iba naman ay maiging nagbabasa ng kani-kanilang mga libro. “Susunod ka, ah.” Wika ni Olivia. Hindi rin nagtagal ay pansin ko na rin ang tuluyan paghakbang ni Olivia pa