GABI at hindi magawang manahimik ni Agustus. Alam niyang kunting oras na lamang ang natitira para makasama niya si Veronica. Alam niyang malapit na ang pagtataapos nitong lahat aat hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa puntong makita niya ang mahal niyang dahan-dahang naghihirap at tuluyan nang mawawala sa kanyang paningin. Buong buhay niya ay ngayon lang siya naging masaya. Ilang daang taon rin ang kanyang hinintay bago mangyari ang pagkakataong ito at ngayon ay hindi niya lubos maisip na sa halip na matinding saya ang siyang mararamdaman niya ay pighati at pangamba sa naraaramdaman ang kanyang natatamo. “Ano ang plano mo? Panginoon?” hindi kaagad magawang sumagot ni Augustus sa katatagang binitawan ng kanyang kawal. Naantili lang siyang nakatayo at nakatalikod sa kany