44 Walang tigil ang sulyap ni Lyeon sa side mirror ng kotse niya habang papauwi sila ni Keiko galing sa parade. Sige lang naman ang kuskos nito sa mukha ng make up remover. Ito lang yata ang fashionistang kikay na allergic sa make up na nakilala niya. Though she wears lipsticks, mascaras, blush on and brow liners ay nakuha na niya ang routine nito na hindi ito gumagamit ng foundation at concealers. Pulbo lang ang lagi niyang nakikita kaya parang natural na natural lang din ang mukha sa araw araw. "Babe, kapag sinabi kong umilalim sa may upuan, umilalim ka ha." pasimpleng saad niya sa dalaga. Nalipat ang atensyon nito sa kanya. "Why?" natigilan ito sa pagsilid ng bulak sa isang plastic. "Nothing. Just do as I say. O kaya humawak ka ng mahigpit dahil parang gusto kong mag practice ng kar