45

2059 Words

45 Nangingig ang kamay ni Keiko habang hawak ang isang baso ng tubig na balak sana niyang inumin pero di niya maiangat dahil sa nerbyos pa rin na nararamdaman niya. Nakaupo siya sa loob ng office ni Nyx at naghihintay sa lalaki. Tumulo ang luha niya nang maalala niya ang narinig ng pagputok ng isang baril kanina sa pinagtataguan nila ni Lyeon pagkatapos ng pagmulat ng mga nakapikit nyang mata. Lyeon-- Akala niya ay nabaril na iyon dahil sa pakikipag agawan ng baril pero nakita niyang nakatayo na ito habang nakaapak ang isang paa sa leeg ng lalaki at pinutukan na ang hita ng kalaban. Kung ito ang nabaril, ano kayang gagawin nya? Baka namatay na sya sa kaiiyak doon. Mabuti na lang at magaling din talaga ang boyfriend niya at salamat dahil hindi naman nagtagal ay may dumating ng tulong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD