46 Agarang pumasok si Lyeon sa conference room para lang istorbohin ang kuya HJ niya sa kalagitnaan nito ng meeting. Ito lang kasi ang makakatulong sa kanya ngayon para sa agarang sakalan na pinupush ni Keiko sa kanya. Naalala niya kung paano nito pinakasalan nang lihim si Emerald at nakuha lahat ng dokumento sa isang pitik ng mga daliri. People know how badly HJ's tantrum is kaya kapag sinabi nito na ngayon, dapat ay ngayon talaga dahil kung hindi kapag sinabi nitong ipasasara ang establishment, umasang isasara talaga sa isang kisap mata. Nagtinginan na sa kanya lahat nang pumasok sya na walang katok pero nakatanga pa rin ang kuya niya sa babaeng nagpe present na halos labasan ng dibdib. Sino ba ang babaeng ito na kaagad napatingin sa kanya at nagpakawala ng isang mapang-akit na ngiti.