Simula ng mangyari ang insidenteng iyon, ng matiyak ng magkakaibigan na si Jarred nga ang secret admirer ni Melissa. Palagi ng topic ng dalawang pasaway niyang kaibigan ang lalaki.
Sa bawat magiging topic ito ng magkakaibigan ay unti-unti ngnahubulog siya dito. Kahit na wala siyang nakikitang pagkilos mula kay Jarred ay nahulog na agad ang loob niya sa lalaki.
Iniisip ni Melissa na masyado lang sigurong torpe si Jarred kaya hindi pa rin nito nagawa na magtapat sa kanya dahil patuloy pa rin naman ito sa pagbibigay ng bulaklak sa kanya tuwing umaga.
Kinikilig siya ng husto dahil sa magaganda at napakabagong bulaklak na iniiwan nito sa kanyang upuan. Sa tuwing umaga ay excited siyang papasok sa kanilang school ay dahil iyon sa bulaklak na nasa kanyang upuan.
Syempre dahil sa lalaking alam niya na may kagagawan niyon, walang iba kundi si Jarred Suarez parang hulog n hulog na ang loob niya sa lalaki. Kaya lang sobra talaga siyang nababagalan siya sa kilos nito.
Kahit na may pag-asa naman itong malinaw sa kanya pero para bang wala itong balak na ligawan man lamang siya. Iniiwasan pa nga siya nito, hindi man lang magpapansin. Lalo na kung nakakasabay nila ng kanyang mga kaibigan ito sa pagkain sa canteen. Minsan kasi kumakain ito doon kasabay ang kapatid nito.
Kung noon ay hindi sinasadya na nakakasabay nila ito ngayon eh halos sila na ng kanyang mga kaibigan ang gumagawa ng paraan para makasabay ang magkapatid sa pagkain. Noong una, ang kanyang mga kaibigan ang nagpaplano para lang makasabay nila ito.
Pero sa huli siya na rin yung nangunguna, ewan ba niya parang nakukulangan talaga siya sa kilos ni Jarred, gusto na niya na kumilos ito at ligawan na siya kaagad dahil gusto na niyang magkaroon sila ng relasyon na dalawa.
Nakakahiya mang aminin pero talagang mas lumalim ang nararamdaman niya sa lalaki, iyon bang tipong parang lalo itong nagpapakipot sa kanya na kung tutuusin ito naman talaga ang may gusto sa kanya.
Pero ang nangyayari ngayon ay para bang siya pa yung nagpapapansin at siya pa iyong naghahabol sa lalaki. At atat na atat na magkaroon silang dalawa ng relasyon ewan ba niya kung normal iyon pero mukhang na-inlove na rin siya sa secret admirer niya.
“Hoy ano ba, anong balita? Kumusta may palipad hangin na ba sayo si Jarred?” Tanong sa kanya ni Jaz.
Sumimangot siya sabay pailalim na tumingin sa kinakaroroonan ng magkapatid na Jarred at Jerold. Sa totoo lang, sa sobrang katorpehan ni Jarred mahigit isang buwan na simula ng malaman niya o matuklasan niya na ito ang kanyang secret admirer.
Pero heto at hindi pa man lamang nakuhang manligaw ng lalaki o kahit na magparamdaman lamang sa kanya ng saloobin nito.
Talagang sobrang nakaka-dissappoint ang lalaki, mahigit dalawang buwan na dating nagpapadala ito ng bulaklak sa kanya ng hindi niya nalalaman. At ngayon mahigit isang buwan na rin nagbibigay pa rin ito ng bulaklak kahit na natuklasan na niya.
Balak yata ng lalaki na paabutin ng isang taon ang pagbibigay sa kanya ng bulaklak, bago magtapat na. Talaga namang nakakainis sa part niya, kung magpu-pwede lamang na siya na mag-first move.
Sana ginawa na niya kaya lang nakakahiya naman, magmumukhang siya pa yung may gusto dito kaysa siya ang gusto nito.
Yun nga lang totoong may nararamdaman na siya para sa lalaki, parang lalo siya nabaliw-baliw dito dahil nga sa hindi nito pagtatapat sa kanya. Kahit na batid na niya ang tunay na damdamin nito para bang hindi na ito naalis sa kanyang isipan simula noong matuklasan niya na ito pala ang kanyang secret admirer.
“Wala pa rin nga eh, tignan mo iyan iyan ba ang may crush sa akin hindi nga makatingin tapos kapag napapatingin naman ako sa kanya sinisimangutan pa ako. Nakakainis nga, normal ba ba yung ganyang lalaki na napakatagal ng panahon nagkaroon ng sikretong pagtingin sa akin? Mahigit 3 months ng pagbibigay ng bulaklak ang ginagawa lang niya pero di naman magtapat! Tama ba yung ganun, pwede naman sana na kahit maging mabait man lamang siya sa akin tignan mo nga yan napatangin lamang tayo sa gawi nila, akala mo kung sino ng makatingin sa atin. Mamaya niyan prankahin ko na iyan, sabihin ko na tigil-tigilan niya angbpagbibigay ng flowers kung habang buhay naman siyang maging torpe.” Sambakol ang mukhang wika niya kay Jaz.
Natawa naman si Rose na nilalantakan ang lunch nito tila walang pakialam kahit nainis na inis na siya.
“Haysss... ugali mo talaga iyan Rose naiinis na nga ako tinatawanan mo pa ako! Ikaw kaya ang malagay sa kalagayan ko nakakainis kaya!” Naiirita pa ring wika niya. Si Rose tuloy ang napagbalingan niya sa sobrang inis.
“Ano ka ba pati ako nadamay, bruha na 'to! Tsaka nakakatawa naman talaga yung sinasabi mo. Ay sa torpe nga yung tao kaya anong magpapala mo doon hintayin mo na lang siya kesa naman ikaw yung magkompronta sa kanya. Eh di lalong mas nakakahiya iyon mamaya sa sobrang pagka torpe niya eh tumanggi pa.” paliwanag naman ni Rose sa kanya.
“Teka nga, bakit kaya sobra yata yung pagka affected mo sa ginagawang pag-i-ignore sayo ni Jarred, oops don't tell me may nararamdaman ka na rin para sa kanya. Kaya kasiguro inis na inis ka diyan dahil ang tagal-tagal niyang magpa lipad hangin sayo. Ano gusto mo kami na ang kumilos para sa'yo. Ayyiieee…. Isang pagpa yag mo lang, ako na ang bahala.” Nakangising wika naman sa kanya ni Jaz.
“Hindi naman sa gano'n pero syempre 'di ba nakakainis naman talaga, akalain mo iyon isang buwan na simula nong malaman natin kung sino ang secret admirer ko. Hindi ba sa loob ng isang buwan na yun, marami na dapat nangyari. Sige nga kung hindi ka mainis, hindi man lamang niya nagawa na magtapat sa akin na kahit man lang ba magpasaring. 3 months na ang nakalilipas simula ng makatanggap ako ng flowers mula sa kanya hindi ba? At saka okay aaminin ko na crush ko talaga siya, simula pa noong pasukan. Siya na agad yung napansin ko dito sa campus. Tapos ganyan lang naman pala ang mangyayari baka nga mamuti na ang mata ko dito sa kakahintay tapos ganyan lang ang mangyayari. Baka habang buhay lang ako maghintay sa kanya.” Nakasimangot pa ring pahayag niya.
“Omooo... sure ba?!"
"Waahhh...sabi na nga ba!"
Panabay pang wika ng dalawa na medyo napalakas pa ang pagtili ni Jaz. Inirapan lang niya ang mga ito.
"Sabagay nakakainis din naman talaga yung ganyan parang napakabagal niyang kumilos, kung hindi lang talaga nakakahiya na tayo ang mauna hindi ba? Kaya lang syempre dalagang pilipina kaya dapat lamang na maghintay tayo. Pero marami naman ang mga babaeng gumagawa ng ganon. Kaya kung medyo lumakas ang loob mo Melissa, ikaw na kaya ang kumilos at saka nandito naman kaming dalawa ni Jaz eh, kayang-kaya ka naming i-cheer.” Nakangiting wika ni Rose pero patuloy pa rin ito sa paglantak sa pagkain.
“Oo nga naman marami kayang babaeng gumagawa ng ganun at saka crush mo rin naman siya. Kasi kung hindi mo gagawin yan baka habang buhay na lang kayo maghihintayan na dalawa. Kaya kung ako sayo, kikilos na ako. Basta nandito lang kami kung gusto mong magtapat wala akong tutol diyan at isu-support ka pa namin ni Rose. Gusto mo planohin natin sabihin mo lang. Diba plinano din natin yung paghuhuli natin sa kanya so baka naman pwede din sa pangalawang pagkakataon na ikaw na yung magtatapat, basta planohin natin para iwas palya hindi ba?” Wika naman ni Jaz na daming alam sa mga plano.
“Pero nakakahiya kasi ano na lang sasabihin sa akin ng mga tao kapag nalaman na gano'n ang ginawa ko.” naiilang na sagot niya dito.
Naisip kasi niya na para namang nakakahiya masyado kapag ganun na malaman ng lahat na siya na nga yung babae siya pa yung nanguna at siya pa yung unang nagtapat. Siguro pagtatawanan siya ng lahat at magiging mababang uri ng bababe siya sa aa lahat lalo na para kay Jarred.
Kaya lang kasi tama rin naman yung sinabi ni Jaz na baka nga habang buhay na lamang silang maghintayan na dalawa kung hindi siya kikilos at saka totoo lang din naman na may gusto siya kay Jarred.
Iyon nga lang, hindi niya alam na may gusto din pala ito sa kanya akala niya nung una ay siya lamang dahil hindi nga niya ito mahalataan.
Kahit nga tapunan man lamang siya ng tingin ay hindi nito magawa. Kaya sino bang di magugulat na matuklasang ito pala ang kanyang secret admirer.
"Bakit ba kasi iisipin mo ang ibang tao? Crush mo hindi ba? Gusto mo na may progress sa kanya?" Tanong nito, tango lang naman ang sagot niya. "Eh di ikaw na nga ang gumalaw, wag mo ng isipin ang mga sinasabi ng mga iyan!" Sabi pa nito.
"Game ako diyan, mamaya pupunta sa gym yan doon ka magsabi. Tapos sasama lang kami ni Rose pero magkukubli lang kami para di naman siya mahiya." Suggest naman ni Jaz.
Napabuntunghininga siya.
Kung hindi kasi siya papayag siguradong patuloy pa rin sa pagiging secret admirer ang mokong.
Muli siyang napalingon sa kinaroroonan nito.
Nagkatinginan sila pero blanko lang ang ekspresyon nito. Naisinis siya sa pagiging suplado nito.
"Okey, payag na ako. Samahan nyo ako mamaya!" Lakas loob na wika niya sa mga kaibigan.
Nagkaingay naman ang dalawang pasaway sabay appear pa ang mga ito, animo nagbubunyi dahil sa pagpayag niya.
Siya naman ay napaisip na lang kung ano ang sasabihin niya sa lalaki. Nakakahiya pero torpe eh, kaya uunahan na lang niya.
ITUTULOY