Napabuntong hininga na lamang si Jarred habang pinagmamasdan ang papalayong grupo. Kung saan kasama doon si Melissa ang nagugustuhang babae ng kanyang kapatid .
Ilang beses itong napatingin sa gawi nila ni Jerold, pero imbis na ngitian ito at pakitaan ng mabuti ay sinimangutan na lamang niya dahil sa takot na baka makalhalata ito. At kaba na rin syempre, pakiramdam kasi niya ay may kasalanan siya dito kahit wala naman.
Mahigit isang buwan ng siya ang nagbibigay ng flowers dito gaya ng pakiusap sa kanya ng kanyang kapatid, hindi talaga niya mapilit ito na sabihin na lamang ang totoo kay Melissa.
Para bang gusto na yata nito na habang buhay ay patago lamang nitong pinagmamasdan ang babae kahit na dapat sana ay nagtapat na ito.
Mahigit 3 months ng naging secret admirer ito ng babae dapat matapos na iyon, dalawang buwan pa nga lang ay tama na iyong dapat nagawa na nitong magtapat sa babae.
Kaya lang mukhang malabo, mukhang wala itong balak na magtapat kay Melissa, ang napeperwisyo tuloy ay siya.
Napapasubo tuloy siya kahit na ayaw na sana niya, eh wala siyang magawa kundi ang pagbigyan ang kahilingan ng kapatid. Kay bata bata palang kasi na-inlove na ng husto tapos ngayon siya ang mamomroblema.
Maya-maya ay tapos na rin sila sa pagkain ng kanyang kapatid sinabihan niya ito na kung maaari ay mauna na munang umuwi mamayang hapon dahil may practice pa sila ng basketball.
Pwede naman siyang magpasundo na lamang sa kanilang driver or mag-commute na lang siya pauwi gagabihin kasi siya. Hindi naman pwedeng pati ito ay gabihin din sa pag-uwi, siguradong hihintayin kasi ano ito aabutin pa ito ng gabi.
Buti na lamang pumayag ang pasaway hindi na rin naman ito naging matigas ang ulo sa kanya lalo pa at sinusunod niya ang lahat ng nais nito. Iyan nga lang may napapansin siya kanina sa grupo nina Melissa, hindi kaya nakakatunog na ito siguro nagtataka na dahil sa secret admirer nga ng babae.
Pero imposible naman na nakakatunog na ito dahil tinitiyak naman niya sa kanyang sarili na sa tuwing maglalagay siya ng bulaklak sa upuan nito ay walang tao sa paligid.
Kaya imposible na makatunog ito na siya ang naglalagay mahirap na mamaya siya pa ang mapagkamalan na siyang may gusto dito.
Pero syempre totoo naman na may gusto siya sa babae kaya nga ayaw sana niyang ipagpatuloy ang ginagawa dahil nagkakaroon pa siya ng rason para lalong mas mapalapit dito.
Ayaw niya yung ganun dahil siguradong masasaktan niya ang kanyang kapatid. Kaya lang hindi pa rin niya matiis si Jerold kaya naman heto at dumating pa sa punto na umabot pa ng mahigit isang buwan.
Gustong-gusto na niya sana na magtapat ang kanyang kapatid para matigil na rin ang ginagawa niya pero hindi eh, mukhang walang balak si Jerold na magtapat kay Melissa.
Ilang buwan na lang naman ay matatapos na siya, makaka-graduate na kaya ilang buwan na lang din ang titiisin niya para sa kapritso ng kanyang kapatid.
Hindi naman na sana tama pero kailangan niyang pagbigyan dahil siguradong mag-aaway lamang sila at magtatampo ito sa kanya.
At ayaw na ayaw niyang mangyari ang ganong bagay sa kanilang dalawang magkapatid.
At gaya ng napag-usapan, matapos nga ang klase ay sinundo na ng kanilang driver ang kanyang kapatid at siya naman ay nag maagang nagtungo sa gym. Palagi kasing siyang nauuna doon, at late palagi ang kanyang mga ka-team.
Pagpasok niya sa gym ay may mangilan-ngilan ng tao doon pero dahil sa kakaunti pa lamang naman at magkakalayo ang mga ito. At ang iba ay abala sa kanya-kanyang mga ginagawa.
Nagtungo muna siya sa locker room para magpalit ng kanyang jersey dahil may practice na sila.
Matapos magbihis ay nagpasya na siya na lumabas ng locker room para hintayin na ang kanyang mga kasamahan sa labas. Ngunit nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan ng locker at iluwa niyon si Melissa.
Halata ang kaba at takot sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya siya naman ay naguguluhan dahil ano ang ginagawa ng babaeng ito doon.
Samantalang locker iyon ng mga lalaki at isa pa ano naman ang pakay nito doon wala namang ibang tao doon kundi siya lamang.
Pero naisip niya na baka may kasintahan na ito at isa iyon sa mga nagtutungo sa locker.
Kahit na ayaw niya tila ba may kakaibang nararamdaman ang kanyang puso sa isiping iyon, parang may pagtutol sa kanya sa isiping meron na itong kasintahan.
Ang nakakatawa pa pakiramdam niya ay nagseselos siya sa nais lalaking hinahanap niyo. Pero lahat naman ay nandon kapag ganoong oras sa kanyang team kaya imposible naman na isa sa mga ka-team niya ang kasintahan nito dahil kilala niya lahat ng mga girlfriend ng mga ito.
Para makatiyak ay tiningnan pa niya ang buong paligid kung may ibang tao sa loob, pero wala talaga kaya siguradong wala itong ibang pinupuntahan doon.
Nakatuon ang mga mata nito sa kanya na ipinagtataka naman niya dahil wala naman silang ugnayan na dalawa kaya bakit siya tititigin ng gano'n nito. Parang may kakaiba din ang mga titig nito kaya naman may bumundol na kakaibang damdamin sa kanyang puso.
Isa pa nakapakabilis ng t***k ng kanyang puso habang nakatitig sa maganda nitong mukha. Tanging pinagtataka pa niya ay may nababanaag siyang kakaiba sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
Para bang may mahalagang pakay ito sa kanya, o ewan basta hindi niya maintindihan angbkanyang sarili. Ang alam lamang niya ay sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso habang nakatitig dito.
"Yes, may kailangan ka?" Seryosong tanong niya dito.
Siya na ang bumasag ng katahimikan dahil naiilang na siya sa pagtitigan nila nilang iyon.
Hindi kasi ito nagsasalita basta na lamang nakatitig sa kanya kaya ganon na lang din ang ginawa niya.
Nagtitigan sila at hinintay niya kung magsasalita ito pero mukhang kinakabahan na ewan. Kaya siya na ang unang nagsalita.
"Uhhmm... A-Ano kasi eh, J-Jarred." Wika nito tapos natahimik ulit.
Napahigpit ang hawak niya sa damit na hinubad dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan.
Ito ang unang beses na binanggit nito ang kanyang pangalan at masasabi niyang kayganda pala ng kanyang pangalan kung ito mismo ang bumigkas.
"Bakit?" Tipid na tanong ulit niya dito.
Seryoso pa rin siya sa takot na baka mahalata siya.
Napalingon ito sa labas ng pinto, parang may mga kasama ito doon. Naghihintay lang naman siya ng sasabihin nito.
Ngunit nagulat siya ng itulak ng kung sino ito papasok ng tuluyan sa locker, hindi nito inaasahan iyon kaya muntik na itong masubdob. Buti na lang naging maagap siya, agad niyang itong nasalo.
Napasubsob ito sa dibdib niya, ang dalawa naman niyang braso ay nakayakap dito.
Ang pinto naman ay isinara ng kung sino sa labas.
Ito ang unang kumalas mula sa pagkakayakap niya dito, animo hiyang-hiya itong di makatingin sa kanya.
"Sinong mga iyon? Bakit nila isinara ang pinto?" Takang tanong niya dito, sabay lapit sa pinto at akma niyang bubuksan iyon pero nagulat siya ng hawakan ni Melissa ang kamay niya.
"Jarred, gusto kita!" Wika nito na nagpatigil ng pag-inog ng mundo niya.
Bigla siyang napalingon dito, nakapikit naman ito habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya.
Mariin ang pagkakapikit nito na tila ba doon kumukuha ng lakas para isiwalat ang mga nais nitong sabihin sa kanya.
ITUTULOY