“Miss okey ka lang ba? Ako ba yung kinakausap mo?” Tila naguguluhang tanong ni Jarred kay Melissa na noon ay naglakas loob ng nagmulat ng mga mata.
Hiyang hiya si Melissa sa kanyang pagtatapat sa lalaki, wala naman sa plano iyon tatanungin lang sana niya ito tungkol sa kung bakit napakatagal nito magtapat sa kanya.
“Hayysss ang tanga mo talaga self! Bakit naman ikaw ang nagtapat, luka-luka ka talaga!” Naiinis na wika niya sa kanyang isipan.
Parang nais niyang batukan ang kanyang sarili dahil sa katangahan niya sa sobrang pagkataranta kasi niya pagkakita dito na nag-iisa sa locker.
Kaya nawala siya sa tamang hulog at nakapagtapat pa dito ng wala sa oras.
Tapos ang dalawa pang pasaway heto at bigla ba naman siyang itinulak sa loob at ini-lock pa ang pinto. Kaya lang hindi niya inaasahan na kaya pala niyang gawing iyon.
Akala kasi niya ay lalabas na ito at mawawalan na siya ng pag-asa na kausapin pa ito kaya napilitan siya na hawakan ito sa kamay at ewan ba niya.
Paghawak niya parang tila ba nakuryente siya at agad-agad na napaamin siya dito ng wala sa oras.
“Miss tinatanong kita mukha yatang may dinaramdam ka. Maaari bang kausapin mo ako ng maayos. Kung ako ang kinakausap mo parang hindi naman kapanipaniwala na bigla-bigla ka na lamang na magtatapat ng damdamin mo sa akin eh hindi naman kita kilala.” Medyo nakasimangot na wika nito sa kanya at tila naguguluhan.
Medyo na inis siya kasi bakit parang takang taka ito eh di ba dapat matuwa pa ito sa ginawa niya dahil siya na iyong naunang magtapat kaysa hintayin pa niya ito.
Aabot pa ng ilang buwan bago magtapat o baka nga abutin pa ng ilang taon, ayaw naman niyang mamuti ang kanyang mata kakahintay dito.
“Ano ka ba?! Wala akong dinaramdam yung sinabi ko totoo iyon hindi ko rin alam kung papaano ko nasabi yun sayo. Pero ang totoo kasi naiirita na ako sa katorpehan mo. Ano paghihintayin mo ako ng ilang buwan? Kaya bago pa mamuti ang mata ko kakahintay sa pagtatapat mo. Ako na lang ang gumawa kasi hindi lang naman ako gumagawa nito eh. Marami din namang ibang babae, pero sorry ha ito kasi yung unang beses na ginawa ko ito at sobrang nakakahiya.” Sobrang lakas na talaga ng loob niya hindi niya akalain na masasabi niya ito lahat sa lalaki.
Pero sa itsura nito ngayon ay para na lamang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya para lamunin na siya ng lupa dahil nakasimangot ang lalaki at tila hindi nito nagugustuhan ang mga sinasabi niya.
Yun dapat na matuwa ito parang naiinis pa ito ngayon sa kanya kitang-kita sa mga mata nito at kung papaano siya nito titigan halatang naiinis na ewan.
“Teka miss, ano bang sinasabi mo at saka anong torpe? At anong paghihintayin kita ng ilang buwan na aabutin pa ng taon, lutang ka ba?” Kunot ang noong tanong nito sa kanya.
Na lalo namang nagpaawang ng kanyang labi hindi kaya nagkakamali lamang siya ng akala? Baka hindi talaga ito yung secret admirer na sinasabi nila. Pero kitang-kita naman nila ng ito yung naglagay ng flowers sa upuan niya eh kaya sigurado silang tatlo na ito ang kanyang secret admirer.
“Alam mo Jarred, huwag ka na ngang magmaang maangan pa, huwag ka nang mahiya. Alam mo ganito kasi iyan alam ko na ikaw ang secret admirer ko, mahigit 3 months na akong nakaka-receive ng flowers. Everyday iyan walang patid so nagtaka na ako dahil hinihintay ko nga na magtapat sa akin. Gusto ko rin kasimalaman kung sino. Pero dahil wala talaga, gumawa na kami ng aksyon ng mga kaibigan ko. At ayon nga isang umaga naaktuhan ka namin ng mga kaibigan ko na ikaw ang naglalagay ng flowers sa upuan ko. Hindi mo kami makikita dahil nandoon na agad kami sa room, ako at ang kaibigan ko ay nakakubli sa cabinet at ang isa pa naming kaibigan naman ay nasa ilalim ng lamesa. At ikaw nga iyon, kitang-kita ka namin na naglalagay ng flowers kaya hinihintay ko na magtapat ka. Okay oo, aaminin ko na naghihintay talaga ako pero may God naman Jarred mahigit isang buwan na namumuti na yung mata ko kakahintay kaya ayun. Nilakasan ko yung loob ko na magtanong sana sa iyo pero iba naman yung lumabas sa baby ko eh sorry.” Dire-diretsong paliwanag niya dito.
Kahit sobrang hiyang-hiya na talaga siya ay tinuloy-tuloy na lamang niya para naman isahan na lamang iyong kahihiyang sitwasyon niya.
Napansin niya ang biglang paglikot ng mga mata nito at bahagya din itong namutla sa inasal nitong iyon. Napangiti siya ng pagkatamis-namis dahil doon pa lang natiyak na niya na tama ang kanyang hinala.
Hindi siya nagkamali na talagang ito ang secret admirer niya at mukhang gumagawa lamang ito ng dahilan para makalusot kahit na sukol na niya ito.
Napatikhim ito ng ilang beses at umiwas ng tingin sa kanya, siya naman ay kinikilig na ng husto kahit na wala pa itong sinasabi na kahit na ano.
Hindi kasi niya maiwasan para bang ito na talaga ang simula ng pagkakamabutihan nilang dalawa. Mabuti na lamang hindi nasayang ang paglalakas ng loob niya na magtapat dito.
Kapansin-pansin ang pagkatuliro nito, doon niya napagtanto na talagang torpe ito sa pinakang torpe dahil siya na nga ang nagtapat heto at parang nag-iisip pa ito kung papaano itatanggi ang kanilang nakita.
“Ano kasi Melissa hindi ako ang…..”
“See?! Alam mo ang pangalan ko, so meaning kilala mo ako at talagang ikaw yun. Ano ka ba Jarred, hindi naman ako magpapakatanga. Hindi naman ako ipokrita na kakapalan ko yung mukha ko na magtapat sayo ng saloobin ko kung wala akong nararamdaman. At wala akong pruweba na ikaw yun ano ka ba okay na ako. Kahit hindi ka pa nanliligaw okay na ako, gusto kita at hinihintay ko lang talaga na magtapat ka. Ngayon na nasabi ko na sayo ayaw mo ba na magkaroon ng progress yung yung secret feelings mo sa akin?” Sobrang nakakahiya na talaga ang ginagawa niya.
Siya pa yung unang nagtanong at siya pa iyong nagkukumbinsi dito na magsabi na ng totoo. At para bang pinapangalandakan niya dito na talagang napakalaki ng pag-asa nito kapag magsabi lang.
“Hindi sa gano'n pero paano ko ba sasabihin.... Ano kasi ganyan ka ba talaga? Ikaw yung babae pero ikaw pa yung nangunang magtapat ng nararamdaman mo?” Wika nito.
At talagang tinanong pa siya na tila ba hindi nito nagustuhan ang ginawa niya.
Kaya naman lalong namula ang kanyang pisngi dahil para bang lahat ng dugo niya ay umakyat sa kanyang mukha. Hiyang hiya talaga siya dahil para bang pinapangalandakan nito na malandi siya, na hindi dapat yung ginawa niya pero ano bang gusto ng lalaking ito.
“Ang dami mo namang arte, eh 'di kung ayaw mo eh 'di huwag bakit ba?! Ako pa talaga tinanong mo ha tinutulungan ka na nga dahil sa sobra-sobra yung katorpehan mo, kung ayaw mo edi huwag mo, choosy pa ‘to! Hmmp! Di yan ka na nga!” Nakasimangot na wika niya dito pero dinaan na lamang niya sa pagsimangot pero ang totoo ay hiyang hiya talaga siya dito.
Kung bakit naman kasi nagtapat pa siya ng nararamdaman dito. Nanahimik na lamang dapat siya, hindi sana niya sinapit ito.
Tumalikod na siya at balak na niyang lumabas. Sinusumpa niya na ito na ang unat at huling gagawin niya ang bagay na ito sa kahit na sinong lalaki.
Akma na niyang bubuksan ang pinto ng bigla siya nitong kabigin. Nagulat siya at naiwaksi ang kamay nito pero dahil hindi niya iyon inaasahan, nawalan siya ng balanse.
Pero naging maagap si Jarred, agad siya nitong sinalo pero hindi nito nakita ang empty na bottled water. Napaapak ito doon at sanhi para bumagsak sila ng tuluyan sa sahig.
Napahiyaw na lamang siya dahil sa pagkagulat.
"A-Aray, ang sakit!" Daing naman ni Jarred.
Doon siya napamulat, nasa ibabaw siya nito. At agad niyang napansin ang dumudugo nitong labi.
"Ha! Naku, ang labi mo!" Nasabi na lamang niya.
Bigla namang bumukas ang pinto ng locker room, dumating na ang mga ka-team ni Jarred. At napahiyaw ang lahat ng maabutan silang magkapatong.
ITUTULOY