Tumagal pa ng ilang buwan ang relasyon nilang dalawa ni Jarred, nagpakilala na rin ito sa kanyang mga magulang at mukhang nagustuhan naman ito ng kanyang nanay at tatay pati nga ang kanyang tiyang ay nagustuhan din ang pag-uugali ni Jarred. “Happy birthday to you…. happy birthday to you… Happy birthday to you.. happy birthday, happy birthday, happy birthday my love.” Kanta ni Jarred na noon ay kararating lamang sa bahay ng tiyahin ni Melissa. Halos malaglag naman ang kanyang panga hindi niya inaasahan na darating ang lalaki dahil alam niya na nasa out of down ito at kausap palang niya ito kanina. Humihingi ng pasensya sa kanya dahil hindi nga ito makakadalo sa kanyang birthday pero naintindihan naman niya ito dahil busy talaga ito sa trabaho nito. Masaya na siyang naa-update siya