"Masaya sana ngunit...." wika ni Melissa na natigilan at pilit na nilalabanan ang sarili na hindi maiyak. "B-Bakit asawa ko? May problema ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni jared halatasa mukha nito ang tila pagkabahala. "Love, may sinabi kasi ang doctor. At a-alam ko na hindi mo iyon nanaisin na marinig." Nauutal na wika niya dito. "Bakit love? Ano ba iyon, handa akong makinig k-kahit masakit o kung saan man iyon patungkol tatanggapin ko iyon." Pangungumbinsi nito sa kanyang sabihin. "May masamang balita ang doktor, kinausap niya kami ni inay kanina at napag-alaman namin na tuluyan ng napinsala ang iyong mga paa at sinabi niya na habang buhay ka ng hindi makakalakad." lakas loob niyang pagtatapat dito. Mas mainam lang sa kanya na magmula kaysa sa ibang tao pa, mabuti ng siya