Lumipas pa ang mahigit isang linggo bago tuluyang nakalabas ng ospital si Jarred. At gaya ng inaasahan nabayaran naman nila lahat ng pagkakautang nila sa ospital. Pati na gamot ay nakabili din sila ngunit halos na sagad ang savings ni Jarred sa lahat ng bayarin. Iyong mga pagkakautang nila sa tao ay hindi pa nila nabayaran. Ngayon kahit na panggastos nila sa araw-araw ay malaking problema na para sa kanya. Pabalik-balik na rin ang mga taong pinagkakautangan nila, minumura na siya sa tuwing makakausap. Ang kanyang Tiyang naman ay pinilit na silang singilin, hindi rin kasi biro ang utang nila dito. Kaya iyong separation pay na natanggap sa company na pinagtatrabahunan ni Jarred ang pinangbayad nila dito. Kaya naiwan silang walang-wala talaga. "Kain ka na love, kailangan mong kumai