Kabanata 2: Love At First Sight

2008 Words
“Kuya, nailagay mo ba? Tinawag kasi ako ng adviser namin kaya hindi ako nakasunod agad eh. Hindi mo ba sya nakita? Anong itsura n’ya, nasiyahan ba kasi white roses na naman iyong naibigay ko?” tanong ni Jerold kay Jarred. Lunch na noon at nasa canteen ulit sila, hanggang ngayon na sumapit na ang lunch ay para bang natutulala pa rin si Jarred. Hindi pa rin niya makalimutan ang magandang mukha ng babaeng nagugustuhan ng kanyang kapatid. Para bang nakapagkit na iyon sa kanyang isipan at sa tuwing pipikit siya ay nakikita niya ang napakatamis na ngiti nito at napakagandang mukha ng babae. Para yatang na love at first sight siya ng makita ito, pero alam niya na hindi tamang ma-inlove siya sa babae lalo pa at alam naman niya kung gaano ito kagusto ng kanyang kapatid. Pero iyon ang unang beses na nagkaroon siya ng interes sa isang babae at ang nakakapagtaka pa ay unang beses pa lang niya ito nakita pero ganun na agad ang naramdaman niya para dito. “Kuya, hoy! Bakit tila yata wala ka sa iyong sarili. May problema ka ba?” Muling tanong sa kanya ng kapatid. Pero para bang wala pa rin siya sa kanyang sarili at patuloy lang siya sa pagtitig sa pagkain. Kaya naman nagulat siya ng bigla siya nitong tapikin sa balikat, medyo malakas iyon kaya talagang bumalik ang kanyang diwa. “Bakit?” Parang lutang na tanong din niya dito. “Sabi ko kung nailagay mo ba yung bulaklak kanina tsaka kung nakita mo ba si Melissa? Kumusta naman, mukha bang nagustuhan niya yung flowers?” Tanong ulit nito sa kanya. “Melissa pala ang pangalan niya.” mahina ang boses na wika niya sa sarili. “Oo kuya, Melissa ang pangalan niya. Nakita mo ba siya kanina?” Nagniningning pa ang matang wika ni Jerold sa kanya. Nagulat tuloy siya dahil akala niya sa sarili lamang niya nabanggit ang pangalan ni Melissa, yun pala ay narinig nito. “Ha, ah-eh, oo naman. Nailagay ko at nakita ko rin siya, mukha namang nasiyahan. Kumain ka na diyan dahil baka matapos na ang breaktime hindi ka pa nakakain.” Sagot na lamang niya dito pero kandautal utal siya noong unang mga kataga dahil medyo kabado siya baka kasi makahalata si Jerold na may kakaiba sa kanya. “Sabi ko na nga ba, iyon ang favorite na flowers n'ya eh. Salamat kuya ah, bukas ulit.” masayang turan nito. Bigla siyang kinabahan, mukhang hindi magandang idea iyong siya ang ginagawa nitong tagabigay ng flowers lalo na at may kakaibang damdaming napukaw sa kanyang puso ng makita niya ang babae. “Busy ako bukas Jerold, ikaw na lamang ang maglagay ng flowers sa desk niya. May kailangan akong gawing importante bukas kaya medyo tatanghaliin ako sa pagpasok kaya ikaw na lamang.” Pagdadahilan niya dito. Mabuti na iyong tumutol na siya at mapigilan na niya habang maaga pa para maiwasang lumalim pa ang kung ano mang nararamdaman niya sa babae. Nakakatawa lang isipin dahil nga syempre unang beses pa lamang niyang nakita ang babae pero natitiyak niya sa kanyang sarili na may napukaw na damdamin sa kanyang puso. At kapag nagpatuloy siyang sa pagiging tulay ng kanyang kapatid siguradong hindi maganda ang kalalabasan. “Ha? Pero Kuya, nakiusap na ako sayo eh alam mo naman yung problema ko hindi ba? Kinakabahan lang ako ng sobra, baka mahuli niyaako eh. Bakit naman bigla-bigla ayaw mo na!” Nakasimangot na wika nito sa kanya. “Makinig ka sa akin Jerold dahil mas makakabuti ito sayo, mabuti nga na malaman niya ang nararamdaman mo kaysa naman iba ang ginagamit mo para maiparating ang iyong damdamin sa babaeng iyon.” Matiyagang paliwanag niya dito. “Sige kuya hayaan mo, ako na lang bahala bukas. Ayokong malaman niya kasi baka hindi niya ako magustuhan. Pero sa tingin mo kuya magugustuhan niya kaya ako kung sakaling mahuli niya ako aa pagbibigat ng flowers sa kanya?” Biglang tanong nito sa kanya. “Oo naman bakit naman hindi ka niya magugustuhan gwapo ka, matalino, magkasing edad naman kayo. At saka nasa lower section siya hindi ba, eh di hamak na mas matalino ka sa kanya dapat nga maging proud pa siya kasi may nagkakagusto sa kanya na isang katulad mo. At isa pa may kakayahan naman kahit papaano ang ating pamilya kung sakaling magkatuluyan kayo. Kaya ano ka ba huwag kang mawalan ng pag-asa.” Nakangiting sagot niya sa kapatid. Totoo naman ang kanyang sinasabi kung mapapabilang sa pamilya nila si Melissa lalo pa at seryoso ang kanyang kapatid ay wala namang maging problema doon. Kaya lang masyadong mainitin ang ulo ng kanyang kapatid kaya iyon lamang ang kanyang inaalala pero hindi naman siguro ganun ang magiging ugali nito pagdating sa babae. Iyon nga lang may nararamdaman siyang hindi maganda, may bahagyang kirot sa kanyang dibdib kapag naiisip na magkakaroon ng relasyon ang dalawa. Gusto niyang saktan ng sarili dahil bakit sa dinami-rami ng babae, bakit naagaw pa ang atensyon niya sa babaeng nagugustuhan ng kanyang kapatid. Sana hindi dapat nangyari iyon kung hindi hinayaan ni Jerold na makita niya ang babae. Ilang years na siya sa school na ito pero kahit minsan hindi pa nangyari ang ganun sa kanya, na maagawang atensyon sa isang babae. Kahit ang mga classmate niya na nagpapalipad hangin at magaganda naman at sexy pa pero wala talaga ngunit pagdating sa babaeng iyon ay kakaiba talaga. Kaya tama lamang na habang maaga pa ay umiwas na siya dito mas makakabuti iyon para sa kanya at sa kanyang kapatid. Sabihin man nating puppy love pa lamang iyon ng kanyang kapatid pero seryoso ito at tiyak na masasaktan kapag natuklasan nito na may pagtingin din siya sa babaeng nagugustuhan nito. Nakakatawa lang kasi, noon hindi siya naniniwala sa love at first sight pero hindi niya akalain na mararanasan niya ang ganun kaya naman masasabi niya na totoo pala. Dahil sa unang pagkakita niya kay Melissa alam niyang konektado na agad ang kanyang buong pagkatao sa babae. SAMANTALA “Promise nakita ko talaga, siya nga kasi iyon hindi ako nagkakamali. Pababa na siya ng hagdan ng mapansin ko na palingon-lingon sa atin kanina. Gulat nga ako kasi si Jarred Suarez kasi iyon, ang kuya ni Jerold Suarez na pinaghihinalaan natin. Oh My God! Kinikilig ako beshie, ang gwapo non sobra at napakatalino pa. At isa pa napakabait pa, alam mo bang parang bini-baby pa rin niyon ang kapatid niya na si Jerold. Palagi pa nga silang sabay mag-lunch at saka hindi niya hinahayaan ang kanyang kapatid na umuwing mag-isa o kaya ay pumasok mag-isa talagang alagang alaga niya.” Pahayag ni Rose na kanina pa pinagpipilitan sa kanya na si Jarred Suarez ang kanyang secret admirer. Pero papaano namang mangyayari iyon eh isa rin iyong isbaniro. Halos hangin nga lang siya kapag nakakasalubong nito, ni hindi siya nito tapunan ng tingin. Ilang beses na rin naman niya itong nakaka-encounter pero talagang hindi man lamang siya tapunan nito ng tingin. Mabuti pa yung Jerold Suarez na iyon, minsan nahuhuli niya na nakatingin sa kanya pero ang Jarred na iyon ay tila ba walang pakialam sa kahit na sinong tao sa paligid. Kaya naman napaka-imposible na ito ang kanyang secret admirer. At saka sa lahat din ng kalalakihan dito sa campus si Jarred lamang ang pinaka nagustuhan niya dahil nakikita kasi niya ito na napaka gentleman. At talagang pinagkakatiwalaan ng mga teachers at isa pa angat na angat din ang kagwapuhan nito. Kaya lang dahil nga ilang siya dito at saka mas matanda ito sa kanya kung hindi siya nagkakamali ay mga tatlong taon. Hindi rin niya ito pinagtutuunan ng pansin, tsaka parang ang hirap nitong abutin. “Naku, magtigil nga kayo sa kalokohan mo na yan, imposible iyon dahil hindi nga ako pinapansin noon 'di ba. Kayo ba pinapansin ba noon? 'Di ba hindi naman at saka parang napaka seryoso sa buhay non. Sa tingin niyo ba magkakaroon ng lakas ng loob na maglagay ng flowers iyon diyan sa desk ko? Eh ang iba ngang kababaihan kahit na mga sikat pa at may mga kaya sa buhay ay ilang na ilang sa kanya. Tapos ngayon sasabihin ninyo na siya yung nakita ninyo, papaano kung napadaan lang naman iyong tao.” Naiiling na wika niya sa dalawa. Nasa canteen sila ng time na iyon, lunch time at kumakain silang tatlo nila Jaz. Bigla siyang napalingon sa unahang bahagi ng canteen at ewan ba niya sa paglingon niyang iyon ay sakto din naman na lumingon si Jarred. Iyong senior na sinasabi nila Rose na pinaghihinalaan ng mga ito na kanyang secret admirer. Nagtama ang kanilang mga paningin at ilang segundong naghinang ang kanilang mga mata. Bago mabilis niyang binawi ang pagkakatingin dito, sobrang lakas kasi ng kabog ng kanyang dibdib habang magkahinang kanilang mga mata. “Hala! Bakit gano’n iyong pakiramdam?!” Bulong niya sa sarili. Takang-taka din siya kung bakit ganun na lamang ang reaksyon niya pagkakita niya dito. Ang tindi talaga ng pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi pa niya naramdaman iyon kahit na kanino at kahit na yung mga literal na crush niya ang mga katitigan ay hinding hindi pa nangyari iyon. Iyon bang parang may maliliit na taong tumatambol sa kanyang puso, sobrang lakas ng kabog kasi niyon at animo may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang puson ng mga sandaling iyon tsaka yung kaba hindi rin niya mawari kung bakit. Pero kahit na nabawi na niya ang paningin, ramdam pa rin niya na may nakatingin pa rin sa kanya. Kaya naisip niya na baka tinitingnan din siya nito. Napaisip tuloy siya na baka totoo nga ang sinasabi ng kanyang mga kaibigan na ito ang kanyang secret admirer. Kaya lang imposible namang mangyari iyon, ngayon lang nga sila nagkatinginan ng ganon. Iyon pa ang ipinagtataka niya kung bakit ngayon lamang naman sila nagkatinginan ng ganun ay bakit ang lala ng impact sa kanya ng simpleng pangyayaring iyon sa kanilang dalawa. “Nakita ko rin talaga siya Melissa, pero pababa na talaga ng hagdan naisip ko rin na baka siya nga dahil wala namang ibang tao doon kanina. Hindi ba tayo nga ang unang-unang dumating sa room. Kaya imposible naman na ibang tao ang maglagay doon, tsaka wala pa talagang ibang estudyante kanina siya lang yung nakita ko na nagawi doon. Kaya iyon din ang naisip ko.”Segunda din ni Jaz sa sinabi ni Rose. Sabagay hindi naman magsisinungaling ang kanyang mga kaibigan pero baka kasi napadaan lang tapos mapahiya sila kapag umasa na talaga siya na ang lalaki nga ang secret admirer niya. Pero ewan ba niya kung bakit parang nai-excite ang kanyang puso sa mga sinasabi ng dalawa. Hindi naman siya nagkakaroon ng ganitong pakiramdam sa iba na para bang hinahangad pa niya na sana ay totoo na lamang ang sinasabi ng dalawa. Pero kasi nakakahiya din at isa pa napakabata pa niya para sa mga ganyan. Saka kung crush naman siya ni Jarred, wala naman siguro masama doon yun nga lang parang mas malalim yung pagka-crush niya dito. Kumpara sa mga dati na niyang hinahangaan sa campus. At isa pa, ayaw niya doon sa may mas ma-edad sa kanya, gusto talaga niya ay kasing edad lang niya, katulad ni Jerold o kaya ay ni Mark. “Okay ganito na lang maaga tayong pupunta dito bukas sa room pero magtatago tayo at titignan natin kung sino ang secret admirer mo. Kapag ginawa natin iyon siguradong matutuklasan natin kung sino ba talaga, ano game? Para matapos na itong pagta-talo talo natin. Siguradong malalaman na natin kung sino, ano pustahan basta ako si Jarred Suarez ang secret admirer mo, kayo anong gusto ninyo?” Nagnining na ang matang wika ni Rose at talagang may plano pa pala itong ganun. “Sige game ako diyan Jarred Suarez din ako!” Pagsang-ayon naman ni Jaz. “Mga pasaway, sige na nga. Maaga tayong pupunta bukas dito para malinawan na rin kayo.” Todo ang ngiting pagsang-ayon niya sa dalawa. “Yes! Finally magkakaalamanan na!” masayang bulalas ng dalawa. Napapailing naman siyang ipinagpatuloy na ang pagkain. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD