Kabanata 1 : Secret Admirer

1676 Words
“Melissa! Dali may flowers na naman sa desk mo oh, aba sino kaya talaga iyang secret admirer mo na yan? Grabe nakakakilig naman, may pa-bouquet pa ha, alam mo feeling ko mayaman ang secret admirer mo na iyan dahil hindi makaka-afford ng ganyang kagandang bouquet ang isang simpleng estudyante lang ‘no. Sure ako, galing iyan sa mga taga star section, sa kanila lang naman makikita ang mga estudyanteng may mga kaya ang pamilya.” palatak ng kaklase ni Melissa na si Rose. Nauna na kasi itong pumasok sa kanilang room kaya ito ang unang nakakita ng flowers. “Alam mo, naiisip ko sino kaya sa kanila? Hindi kaya si Mark Villarde iyong anak ng Mayor? O si Jerold Suarez iyong varsity player ng school natin. Siguro naman nanggaling iyan sa mga ka-batch natin dahil kung sa senior, parang napaka imposible naman kasi mas matanda na sila.” wika naman ni Jaz na isa rin sa kaklase at kaibigan niya. “Naku, tigilan niyo na nga ang mga panghula, puro mali namang taong pinaghihinalaan n'yo. Ni hindi nga ako pinapansin ng mga iyon. Tsaka hindi naman ibig sabihin na nakabili ng ganyang klase ng bouquet ay mayayaman na. Iyong iba kaya rin naman bumili lalo na kung importante para sa kanila iyong taong pagbibigyan. Kaya naman thankful ako masyado sa taong nagbibigay ng flowers na iyan. Sana nga lang magpakilala na sya.” wika niya, sabay lapit sa kanyang upuan at kinuha ang bouquet tsaka inamoy niya iyon. Napapangiti pa siya dahil sa sariwang amoy ng bulaklak, ang sarap langhapin. Sa iilang pinaghihinalaan ng kanyang mga kaibigan, ni isa doon ay wala siyang napansing kakaiba. Ni hindi nga siya pansinin ng mga iyon kahit na kilala siya bilang isa sa pinakamay magandang mukha sa campus. Nga lang hindi siya mabigyan bigyan ng break dahil sa mahirap lang sila at mas pinapaboran ng kanilang mga teachers ang may kakayahang magbigay. Kaya kapag may mga pageant sa school hindi siya ang napipili kahit na marami ang nagri-recommend sa kanya. Hindi naman niya alintana iyon, ang nais lamang niya ay makatapos ng pag-aaral. “Hayyyyss kelan kaya ako makakatanggap ng ganyan kagandang flowers. Wala man lang magkamali kahit na nga gumamela lang ang ibigay sa akin ay okay na ako. Pero sayo talagang bouquet ang ibinigay at kahit na sinong babae ay talagang laglag panty kapag binigyan ng ganyan kagandang flowers.” Wika ulit ni Rose. Sabay agaw ng flowers na kanyang mga kamay tsaka ito naman ang umamoy amoy doon. “So anong plano mo Melissa halimbawa matuklasan mo kung sino pala yung secret admirer mo, tapos papaano kung bigla siyang manligaw sasagutin mo ba siya?” Tanong naman ni Jaz sa kanya. “Hoy kayo talaga ang layo-layo na ng tinakbo ng utak n'yo, napaka-advance ninyo talaga. Humahanga lamang naman yung tao at wala siyang balak na manligaw. At saka ang babata pa natin 'no hindi pa dapat tayo nagkakaroon ng kasintahan dahil kailangan maka-graduate muna tayo. Panira lamang iyan sa pag-aaral natin eh, kaya bahala siya kung patuloy siyang magbibigay ng flowers. Kaya lang hindi biro ang presyo ng flowers na ito kaya siguro mas mainam na mag-iwan ako ng notes na itigil na niya ang ginagawa.” Sagot na lamang niya sa pasaway niyang kaibigan. “Hala siya talagang papatigilin mo, umayos ka nga malay mo naman anak pala ni Mayor yan. Aba naman ayaw mo pa ng ganoon pagdating ng panahon si Mark ay magiging mayor din at syempre magiging first lady ka ng bayan natin kapag nagkataon.” Tila nangangarap naman na wika ni Rose. Akala mo ay excited pa ito na pinagsalikop pa nga ang dalawang palad. At tila inaasam na nito na mangyari agad ang nasa isipan. “Sira puro kayo kalokohan, umupo na nga lang kayo diyan mamaya dadating na ang mga classmate natin tapos susunod na si teacher. Baka makagalitan pa tayo ng mga iyon.” Naiiling na wika na lamang niya sa mga ito tsaka umupo na siya sa kanyang upuan at hindi na pinansin ang dalawang pasaway. SAMANTALA “Hayyyy buti naman nagustuhan niya kuya. Akala ko talaga hindi niya magugustuhan dahil naubusan kasi ng favorite niyang white roses kaya red yung naibigay ko sayo para ilagay mo sa upuan niya.” Wika ni Jerold na noon ay masayang kumakain sa school canteen kasabay ang kanyang Kuya Jarred. Matagal na itong may crush sa isang babaeng nasa low section, inis na inis nga siya dito dahil kung bakit magkakagusto na lamang ay doon pa sa mga nasa lower section na alam niyang mga pasang-awa lamang naman palagi. First year high school pa lamang si Jerold at siya naman ay nasa third year high school na. Isang taon na lamang at ma-graduate na siya ng high school at pagkatapos niyon ay balak na niyang doon mag-aral sa Manila para magkaroon ng mas magandang oportunidad kapag siya ay nagtrabaho na. Pero ang pasaway niyang kapatid na si Jerold heto at ginagawa pa talaga siyang tulay sa crush daw nito, hindi pa niya nakikita ang babae pero ilang beses ng siya ang nagdadala ng flowers na pinapalagay nito mismo sa upuan ng babae. Alam naman niya na puppy love lamang iyon at hindi seryosohan. Kaya lang ayaw kasi niya na nagagalit ang kanyang kapatid, sa sobra kasing galit nito ay nanginginig ito at nangingitim pa. Kaya naman ang ginagawa niya kapag may hinihiling ito ay sinusunod na lamang niya palagi kesa magalit pa ito at magwala. Napakadali kasing uminit ng ulo ng pasaway at isa pa mahal na mahal niya ang kapatid dahil sila na lamang dalawa. Maliliit pa lamang sila ng maaksidente ang kanilang mga magulang at silang dalawa na lamang ang naiwan. Sa ngayon ay naninirahan sila sa bahay ng kanyang lola at lolo sa side ng kanyang mama. Mahal na mahal naman sila ng kanilang lolo at lola pero alam nila na ilang taon na lamang ay muli na silang iiwan ng mga ito katulad ng kanyang mga magulang. At iyon ang ayaw niyang masaksihan pa kaya ang balak talaga niya ay aalis matapos niyang maka-graduate ng high school at doon na mag-aaral sa Manila para pag naka-graduate siya hindi siya mahirapan masyadong maghanap ng trabaho. “Naku ikaw talaga pati ako nadadamay diyan sa kalokohan mong iyan. Ano kaya kung sabihin mo na lamang sa kanya. Ligawan mo siya, manligaw ka. At saka hindi tama yan na pati ako ay ginagawa mong tulay, mas matanda ako sayo Jerold dapat hindi mo ako inuutusan.” sermon niya sa kapatid habang nilalagyan niya ito ng pagkain sa plato. Tatlong taon lamang ang tandaa niya dito at talagang alagang alaga niya ang kapatid. Lalo na at silang dalawa na lamang, meron naman silang mga tagapag-aalaga pero iba pa rin nasiya ang nag-aasikaso sa kanyang kapatid. Ayaw kasi niyang iasa ang lahat sa yaya nito, at isa pa matanda na rin kasi ang kanilang lola at lolo kaya hindi na rin sila maaasikaso. Mabuti na lamang kahit papaano ay may naiwang ari-arian ang kanilang mga magulang kaya hindi sila masyadong hirap. Iyon nga lang parang masyadong na spoiled sa kanya si Jerold lahat ng gusto nito ay ibinibigay niya. “I'm sorry kuya muntik na kasi niya ako mahuli one time, natatakot ako na baka magalit siya sa akin kaya nakiusap ako sayo dahil ikaw mas mabilis kang kumilos at isa pa madali mo lang malulusotan kapag nagtanong siya sa'yo. Ako kasi alam mo naman na halos hindi nga ako makapagsalita kapag kaharap ko siya kasi gustong-gusto ko talaga siya kuya.” Wika pa ng kanyang kapatid. Masyado itong baby pa kung papaano kumilos pero heto at mukhang talagang seryoso ito sa babaeng nagugustuhan nito. Na-curious tuloy siya kung gaano ba kaganda ang babaeng iyon. Talagang mukhang nahumaling ang kanyang kapatid. “So ibig sabihin ako na naman ang magbibigay ng flowers bukas? Naku pasaway ka talaga kapag ako mahuli ng babae iyon. Mapapahamak ako ng wala sa oras ng dahil sayo. Mamaya ako pang mapagbintangan niya na nagbibigay ng mga flower sa kanya kaya dapat ikaw na ang magbigay. Huwag mo na sa aking ipasa iyan. Hindi nga ako nanliligaw dahil ayaw ko ng problema hindi ba? Alam mo naman na naka-focus lang ako sa pag-aaral ko tapos mapagbibintangan pa ako na ako ang nagbibigay ng flowers.” reklamo ulit niya dito. Kahit kailan talaga hindi niya kayang tanggihan ang kanyang kapatid, ganon niya ito kamahal dahil iniisip kasi nito na silang dalawa na lamang. Gusto niyang ibigay lahat ng makakapagpasaya dito. “Kuya please check mo rin kung meron ng white roses doon sa kabilang branch nung binibilhan natin ng flowers para favorite flowers niya ang maibigay mo bukas.” Wika ulit nito sa kanya. Sumang-ayon na lamang siya sa nais nito tsaka inaya na itong magmadali dahil tapos na ang break time. KINABUKASAN Palingon-lingon si Jarred sa paligid, siniguro muna niya na walang tao bago niya inilagay ang bouquet ng flowers sa mesa nong babaeng crush ng kanyang kapatid. Kinakabahan siya na baka may makakita sa kanya, after niyang mailagay iyon don aalis na siya at ang kapatid naman niya ang papalit. Pero hindi ito magpapahalata dahil ang nis nito ay makita ang magandang ngiti ng babae. Pero kakalagay lamang niya ng flowers sa upuan, at nakakailang hakbang pa lang siya para umalis na sana sa lugar na iyon. Hindi pa nga siya nakakalayo ay narinig niyang may tumili sa room. Tanaw sa kinatatayuan niya ang mga kababaihan sa loob. Kita niya ang babaeng nakatayo, hawak-hawak ang bulaklak at malawak ang pagkakangiti habang inaamoy ang flowers. Napaawang ang kanyang labi ng masilayan ang magandang mukha ng babae. Tila ilang segundo siyang natulala habang nakatitig sa babae. Tila ba nagliwanag ang mukha nito at iyon na lamang ang kanyang nakikita. Ang maganda nitong mukha habang inaamoy ang mga bulaklak. Napakaganda din ng ngiti nito at maging ang mga mata nito ay nagnining-ning din. Bigla siyang napahawak sa kaliwa niyang dibdib. Tila ba may kung anong mainit na bagay ang humaplos doon habang nakatingin siya sa babae. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD