PROLOGUE

1584 Words
"MABUHAY ANG BAGONG KASAL! MABUHAY!” Masayang sigawan ng mga tao dumalo sa simpleng kasal nina Melissa at Jarred. Mababakas ang umaapaw na kaligayahan sa mga mata ng mga ito matapos na maglapat ang kanilang mga labi para sa unang beses na halik na kanilang pinagsaluhan bilang mag-asawa. Maluha-luha pa nga ang dalawa dahil sa kaligayahan, dahil sa wakas naikasal na sila matapos ang limang taon bilang magkasintahan. Napakakisig ng asawa ni Melissa sa suot nitong barong tagalog na siya mismo ang pumili dito at gano’n din naman siya. Isang simpleng damit pangkasal lamang ang kanyang suot, pero nagmumukhang elegante iyon at nagmumukhang mamahalin kapag suot niya. Lalo kasing tumingkad ang kanyang kagandahan dahil sa traje de boda na iyon, may flower crown din kaya naman nagmukha tuloy siyang dyosa ng kagubatan. Napakagwapo ng kanyang asawa, kaya naman maraming naiinggit sa kanya dahil siya ang pinakasalan nito. Isa lamang siyang tindera sa karinderyang nasa tapat ng pinagtatrabahunan ng lalaki. Samantalang ito naman ay may mataas na posisyon sa company na pinagtatrabahunan nito. Ang daming tumataas ang kilay ng malamang naging silang dalawa, pero ang hindi alam ng mga ito dati na silang magkakilala. Iisa ang eskwelahang kanilang pinasukan noong high school. Nanligaw na ito noon sa kanya at panay ang padala ng flowers sa kanya. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya kaya hindi lamang niya ito pinapansin noong una. Pero bago matapos ang huling taon nito sa high school sinagot niya ito dahil sa naging masigasig naman itong manligaw. Ngunit nagkaroon ng problema ang pamilya ng mga ito at bigla itong naglaho. Hindi naman niya masyadong dinamdam ang pag-alis nito dahil para lang siyang naglalaro noon sa relasyon nila, isa pa bata pa siya kaya nagpatuloy siya sa pag-aaral. Hanggang sa pagkagraduate niya ng high school, kinuha siya ng kanyang tiyahin para maging serbidora sa karinderya at doon na nga sila nagkitang muli. Ngayon napapangiti siya habang nakatingin sa masayang mukha ng kanilang mga bisita. Ang lahat ay masaya, at ang lahat ay excited na magpa-picture sa kanila. Hanggang sa ang masayang okasyon na iyon sa simbahan ay napalitan ng isang senaryong kahindik-hindik. Napalingon-lingon siya sa paligid, nagtataka kung bakit nasa ibang lugar na siya. Sigawan ng mga tao, malakas na tunog ng pag-angil ng nangangalit na gulong ng sasakyan ang kanyang narinig. Kasunod niyon ang malakas na pagbangga ng isang sasakyan sa ten wheeler truck. Napapikit siya at muling napamulat ng muling nagsigawan ng malakas ang mga tao, may sumisigaw ng ambulansya. Siya naman ay naramdaman ang matinding kirot sa kanyang noo, hanggang sa umagos na ang dugo mula sa kanyang ulo. Doon na siya nagsisigaw lalo na ng makita niya si Jarred sa kanyang tabi. Duguan tila wala ng buhay, nayupi ang harapan ng kanilang sasakyan pero sa may driver seat lang ang matindi ang pagkayupi. Paulit-ulit siyang nagsisigaw pero walang lumalabas na boses sa kanyang mga labi. Maya-maya ang ay may naramdaman siyang yumuyugyog sa kanyang balikat, malalakas na pagyugyog. “H-Honey, g-gising…honey ko, honey…” narinig niyang tila tawag sa kanya ng kung sino tsaka niya naimulat niya ang mga mata. Kisame ng kanilang bahay ang bumungad sa kanya, pumikit ulit siya at iminulat na naman ang mga mata dahil baka nananaginip pa rin siya. Pero nakahinga siya ng maluwag ng matuklasang nagising na nga talaga siya. Tumingin siya sa kaliwang panig ng kama at ang nag-aalalang mga mata ng kanyang asawa ang bumungad sa kanya. Nakahiga lamang ito doon at alalang alala habang nakatingin sa kanya. Kinabig siya nito katulad ng paulit-ulit nitong ginagawa kapag siya ay binabangungot. Pero hindi niya ito pinansin. Ilang beses muna siyang napabuntong hininga tsaka nagpasya siyang bumangon na. "Maaga pa, matulog ka lang diyan magluluto lang ako ng almusal." Seryosong wika niya dito. Malamig ang pakikitungo niya sa asawa dahil na rin sa patung-patong na problema, lalo na financial. Wala naman itong magawa dahil sa baldado nga ito. "P-Pero honey, gusto ko......" "Pwede ba Jarred! Marami pa akong gagawin, busy ako kaya wag ka ng dumagdag pa!" Hindi niya napigilang singhal sa asawa. Agad naman itong nagbaba ng paningin. Tila nasaktan sa pagtaas ng boses niya dito. Pero hindi na niya ito pinansin pa, agad siyang lumabas ng silid. Sa totoo lang ang dami-dami na niyang problema kaya mainit talaga ang ulo niya kahapon pa. "Good morning. Bakit yata wala ka sa mood Melissa? Nag-away ba kayo ni Kuya?" Nakangiting tanong ni Jerold sa kanya, nasa kusina na ito at nagtitimpla ng kape. "N-Nandito ka na pala Jerold." Bahagyang nabulol na sagot niya dito. "Kape?" Simpatikong tanong nito sa kanya. "Ha? Ah, eh... m-mamaya na ako, mauna ka na lang. Salamat." Nauutal ulit na sagot niya dito. Halos isang buwan na ng manirahan ang lalaki sa kanilang bahay. Bale nagkapatong-patong na kasi ang problema nila. Pati ang bahay na naipundar ni Jarred ay naisanla sa banko para sa pagpapagamot nito at noong nakaraang buwan ay mareremata na sana. Wala silang malapitang mag-asawa kundi ang kapatid nitong si Jerold lamang. Sa ibang bansa ito namalagi, bale ito na lamang at si Jarred ang magkamag-anak dahil namatay na ang mga magulang ng magkapatid. Ang mga kamag-anak naman ng mga ito sa side ng ama ay nasa probensya at ang side naman ng ina ay nasa ibang bansa kaya si Jarred na lang talagang naiwan dito sa Manila. Pero dahil sa nangyari, napilitan si Jarred na humingi ng tulong sa kapatid. Kahit na ayaw na ayaw nito noong una, iniyakan na kasi niya ito dahil sa totoo lang. Hirap na hirap na talaga siya. Kahit nga pangtustos lang nila para sa pagkain araw-araw ay hirap na hirap na siya. Iyon pa kayang bayaran ang malaking halagang pagkakasanla ng bahay. Pinatawag siya ni Jarred sa numerong kanyang binigay at mabuti na lamang agad iyong nasagot ng girlfriend ni Jerold. Nakausap niya ang lalaki at heto nga, umuwi ito ng Pilipinas. Isang buwan na rin na ito ang nagpo-provide ng lahat ng kanilang mga pangangailangan. At sa totoo lang hiyang-hiya na siya sa lalaki. Kaya nga mainit lagi ang ulo niya kay Jarred, naiinis kasi siya dito ito dapat ang lahat ng gumagawa niyon eh. Ito ang asawa niya pero si Jerold ang animo padre de pamilya sa tahanan nila. Maraming beses din na may napansin siyang kakaiba sa lalaki, pilit na lamang niyang ipinagwawalang bahala at iniisip na baka mali lamang siya ng hinala. Pero ilang na ilang na siya dito, lalo na ng ipamili siya nito ng mga kagamitan na ultimo panty ay hindi na siya makabili. Pero ito binilhan siya ng dalawang dosenang panty na branded pa nga. Halos manliit siya dahil sa ginawa nito pero sabi nga nito ay nagmamagandang loob lamang. Kaya naman para hindi ito mapahiya ay tinanggap na lamang niya. Minabuti niyang magsimula na sa pagluluto ng almusal, alam din niyang maaga pa itong aalis kaya kailangan niyang magluto para makakain ito. May negosyo kasi itong pinatayo at halos dalawang linggo pa lang na nag ooperate. Sinimulan niyang magluto ng almusal, hindi na niya ito pinansin pa kahit na nakaupo lamang ito sa mesa at humihigop ng kape. Siya naman ay kinukuha ang isang kawaling para sa pancake na nasa itaas ng kabinet kaya lang nahirapan siyang kuhain iyon. Pero pinilit niya dahil ang nasa ibaba ay iyong malalalim na kawali. "Ako na." Paos ang boses na wika ni Jerold. Na halos magpatindig ng kanyang balahibo, dahil nasa likuran na pala niya ito. Ramdam din niya ang hininga nitong tila ba malapit sa may batok niya, mainit-init iyon at tila ba naghahatid ng kakaibang kiliti sa kanya. "H-Hindi, huwag na kaya ko Jerold, please lumayo ka." Pakiusap niya dito. Ramdam din niya ang pagdaiti ng matipunong dibdib nito sa likod niya. Wala pa naman itong damit pang itaas, kaya ramdam din niya ang init ng dibdib nito sa kanyang likuran. Ang nakakainis lang, bahagyang nanginginig ang kanyang boses kaya hindi paghahalataang tumututol siya. Ngunit naging mapilit ito kaya naman nagpumilit siyang makaalis sa harapan nito, pero iyon ang kanyang pagkakamali dahil bigla siyang nitong kinabig at pinaharap siya nito tsaka inipit para hindi na makagalaw pa. "Jerold ano 'to?! B-Bitiwan mo ako!" Reklamo niya dito. "Bakit? Naiilang ka ba Melissa?" Mapungay ang mga matang tanong nito sa kanya. "Nasisiraan ka na ba?! Kung ito lang ang kabayaran ng mga tulong mo sa amin, pwes bawiin mo na lahat!" Singhal niya dito pero mahina lamang ang boses dahil sa takot na marinig sila ng kanyang asawa. May napansin siyang pagbahid ng lungkot sa mga mata nito, ngumiti ito sa kanya pero alam niyang hindi iyon umaabot sa mga mata nito. "Sana nga hindi na lang ako tumulong sa taong umagaw sa taong pinakamamahal ko. Pero dahil sayo kaya nandito ako ngayon." Mahina pero may diin ang bawat katagang binitiwan nito. Napakunot noo naman siya dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Naisip niya na baka may nagawa ang kanyang asawa noon sa kapatid. Pero hindi naman tamang siya ang gantihan nito. Asawa niya ang kapatid nito, kalaspatanganan ang ginagawa nito ngayon. "W-Wala akong alam sa sinasabi mo, pakawalan mo na ako Jerold please lang." Pakiusap niya dito. Tinitigan lamang siya nito, tsaka nagulat siya ng kabigin nito ang ulo niya at biglang sinakop ang labi niya. Halos lumuwa ang kanyang mga mata, nanlamig din ang kanyang buong katawan dahil sa kapangahasan nitong iyon. Ilang segundo siyang natulala, pero ng matauhan, agad niyang itinulak si Jerold. At mag-asawang sampal ang tinamo ng pisngi nito mula sa kanya. END OF PROLOGUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD