Hinayaan lamang niya na umiyak ng umiyak si Jarred habang yakap-yakap niya ito. Alam niya na hindi na nito kaya ang nararamdaman talagang bumigay na rin ito na akala niya noon ay okay lang palagi. Na malakas ito, pero darating din pala sa point na hindi na talaga nito kakayanin ang lahat ng problema. Niyakap na lamang nila ito ng mahigpit at umiyak na rin siya ng umiyak dahil sa totoo lang sobrang hirap ng kanilang sitwasyong mag-asawa. Tapos ng dahil sa problema tuluyan na silang dalawa na tinatabangan sa isa't isa dahil natatalo nga sila ng matinding pagsubok sa kanilang buhay. Pero kapag ganito kailangan nila ang isa't isa hindi pala talaga niya kayang tiisin ang kanyang asawa. Dahil sa totoo lang kahit na sobrang sama ng loob niya dito pero mahal na mahal pa rin niya ang kanyang