Kabanata 41

1513 Words

Lumipas pa ang maraming buwan hanggang sa sumapit na ang ikalimang buwan na usapan ni Jarred at ng Mildred na iyon. Ilang linggo na lamang ay mapapaso na ang kasuntukan ng dalawa pero heto at wala pa rin siyang nakalap na pambayad sa pagkakautang nila. Nakailang ulit na rin ng tawag ang Mildred na iyon na tinatanong sila kung may pera na daw ba pero wala siyang maisagot. Maging si Jarred ay talagang namumroblema na lalo pa at malapit na rin ang kabuwanan niya, hindi maaaring mawalan sila ng bahay. Sa loob ng limang buwan na iyon ay makipaglabada na siya, at nagtinda ng kung ano-anong kakanin. Lahat ng maaaring itinda ay tinitinda niya para makaipon sana pero wala talaga. Kahit anong pagsisikap niya ay hindi niya kayang makapagtabi ng ganon kalaking halaga. Wala na ngang nagawa si J

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD