"Love ano bang ibig sabihin ng ginawa mo na iyon? Bakit kailangan ibigay mo ang titulo ng lupa at ng bahay sa babaeng iyon? Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit naman kasi doon pa nangutang si Nanay. Alam naman niya na napakagahaman ng babaeng iyon. Pera lamang ang sinasamba niya kaya ganun na lamang ang panggigipit niya sa atin. Tapos ibinigay mo pa ang titulo ng lupa at ng bahay papaano na lamang kung bigla-bigla rematahin ang bahay. Kahit na napakahalaking halaga ng bahay na ito, baka yung sinasabi niyang utang ni inay na 200k pati na ang tubo yun na lamang ang kanyang pagbabasehan para mapasakanya ang bahay at lupa na ito. Ano ka ba naman Jarred hindi ka ba nag-iisip?" namo-mroblemaang pahayag niya sa asawa. Ang kinakainis lamang niya hindi man lamang siya nito kinonsulta talaga