"Tao po! Tao po! Buksan mo ang pinto Melissa!" narinig niya ang sigaw ng kung sino sa may gate ng kanilang bahay. Abala si Melissa noon sa paglalaba ng kanilang mga maruruming damit ni Jarred. Nagtataka siya kung sino ang sumisigaw na iyon sa kanya, samantalang wala naman siyang inaasahan na bisita ng araw na iyon. Kaya naman kahit na ang sakit na ng balakang niya sa paglalaba ay minabuti niyang tumayo para tingnan kung sino ang tumatawag na iyon sa labas dahil hindi niya mawari kung galit ba ito o nagmamadali lamang. Natagalan kasi siya sa paglalaba dahil nagkusot lamang siya hindi kasi niya ginagamit ang washing machine dahil iniisip niya ang bayaran sa kuryente kaya nagtiyaga na lamang siyang maglaba gamit ang kanyang mga kamay. "Hoy! Buksan nyo ang pinto! Kung hindi ipapapulis