Matapos ang pangyayaring iyon na nagtungo si Melissa sa bahay nina Jarred ay naging mas close na silang dalawa. Talagang pinangatawanan na nila ang relasyon nilang magkasintahan. Bigla-bigla ay naging magkasintahan silang dalawa kahit na wala sa plano.
Noong una sobrang naiilang pa sila sa isa't isa, paano ba naman hindi niya alam kung ano talaga ang saloobin ni Jarred. Umaasta naman ito na kanyang boyfriend. Pumunta sila sa bahay ng mga ito, tumawag siya dito ay ang mga kaibigan niya ang nagtutulak sa kanya para tawagin itong love.
Tapos todo kaba pa siya noon kasi akala niya ay sinasakyan lamang siya ng lalaki na para bang pinapakisamahan lang siya nito.
Pero hindi siya kailanman ituturing na girlfriend ngunit eto at halos isang linggo na ang nakaraan pero pakiramdam niya ay para siyang prinsesa ni Jarred.
Sa kalokohan niyang iyon hindi talaga niya akalain na darating yung time na magagawa niyang makipagrelasyon sa lalaking hindi pa nakilala man lang at siya pa itong nagpursige na magkaroon agad sila ng relasyon matapos ang unang pagkikita.
Kahit ang kanyang mga kaibigan dinadaan na lamang sa pang-aasar sa kanya pero hindi rin makapaniwala na magagawa niya ang bagay na iyon na siya mismo ang kusang nagtatapat sa lalaki.
Pero wala naman siyang pinagsisisihan na ginawa niya iyon at least ngayon natigil na ito sa pagbibigay ng flowers dahil kasama na niya ito. At dahil kilala sa campus si Jarred. Lalo na sa mga girls, kaya naman ang dami sa kanyang babaeng nagagalit.
Pabida daw siya, masyado lang daw makapal ang mukha niya dahil inakit niya si Jarred kaya naging kasintahan niya ang lalaki.
Pero wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba, basta ang concern niya ngayon ay kung papaano padama niya kay jared na tunay ang kanyang nararamdaman dito.
Mas mahalaga sa kanya na palagi lamang itong masaya dahil nasa kanya na ang lalaking pinapangarap ng lahat. Tsaka ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya dahil inaalagaan siya nito ng husto at tinitiyak na palagi siyang kumakain sa tamang oras.
Palagi din itong tumatawag, nagtachat at tinitiyak na palagi siyang masaya. Ang lahat ng iyon ay parang lagi siyang nasa alapaap.
Hanggang sa ang isang linggo na iyon ay maging tatlong buwan.
Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay naging masaya siya ng husto, ramdam niya na hindi lang basta girlfriend ang turing sa kanya ni Jarred.
Ramdam nila mahal na mahal siya nito at kung nasa tamang edad na nga sila ay siguradong magpropose na ito sa kanya ng kasal. Gaya ng palagi nitong sinasabi, may pagka sweet din kasi ito akala nga niya noon palagi lang itong seryoso.
Hanggang sa graduation day na ni Jarred, at usapan nila na magkikita na lamang sa campus para i-support niya ito dahil graduation nga nito.
Excited na excited pa siya dahil napag-usapan nila na kakain sila sa labas na dalawa. Ang sabi kasi nito ay wala rin naman itong makakasama sa pag-celebrate sa bahay ng mga ito kaya mas nais na siya ang kasama nito.
Nagpaganda pa siya ng husto at talaga namang tiniyak niya na babagay siya sa lalaki dahil tinitiyak naman niya na muli na naman siyang makakarinig ng mga salita mula sa mga fans ng kanyang boyfriend.
Hindi pa rin kasi matanggap ng mga ito na girlfriend na siya ni Jarred.
Ngunit sobrang nagtataka lamang siya dahil bakit malapit nang mag-umpisa ang ceremony, wala pa rin si Jarred. Kanina pa rin nito tinatawagan at tina-chat pero walang sumasagot sa phone nito at hindi rin binabasa ang mga chat niya.
Kaya naman sobrang nag-aalala na siya para sa lalaki dahil ilang minuto na lamang mag-uumpisa na ang graduation tapos wala pa ito, hindi pa niya matawagan.
Mangiyak-ngiyak na siya ng magsimula na ang ceremony ng wala doon si Jarred hindi talaga nagpakita pa, pero naghintay pa rin siya ngunit hanggang sa maubos na lamang ang tao sa kanilang school ay walang Jarred na nagpakita.
Maging ang kanina lamang na nagre-ring pa na number nito ay hindi na nagre-ring pati ang messenger nito ay naka-take down na.
Halos mabaliw-baliw na siya sa kakaisip iyak din siya ng iyak at nagtatanong sa kanyang mga kaibigan kung ano ang problema at kung may mali ba siyang nagawa bakit wala si Jarred.
Nandoon din iyong pag-aalala ng sobra dahil baka kung napaano na ito pero wala namang anunsyo o anuman bago matapos ang graduation eh. Kaya talagang nagtataka siya, nais sana niyang magtanong sa adviser nito pero abala ang teacher kaya hindi din siya nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong.
Awang-awa naman sa kanya si Rose at si Jaz, inalalayan na lamang siya ng mga ito at hindi iniwan hanggang sa makauwi siya ng kanilang bahay. Nagtanong ang kanyang mga magulang pero wala siyang lakas ng loob na sabihin sa mga ito ang nangyari dahil hindi naman alam ng mga ito na sa murang edad niya ay may boyfriend na siya.
Iyak lang siya ng iyak buong magdamag, lahat ng mga pangyayari bago ang graduation ay inisa-isa niya at hinanap doon ang kasagutan sa biglaang pagkawala nito, Nagtatanong din siya kung ano ang problema at ano ang nagawa niyang kasalanan.
Pero wala talaga siyang makuhang kasagutan kung bakit nagawa iyon sa kanya ni Jarred.
KINABUKASAN
Minabuti niyang magtungo sa bahay ng lola ni Jarred, pero wala ng tao doon at hindina daw nakatira doon ang magkapatid. Hindi rin daw alam ng mga bagong may ari ng bahay kung nasaan na ang dating may ari.
Gulong-gulo na talaga siya, wala siyang maisip na dahilan ni Jarred para saktan siya nito ng ganito. Ganito ba talaga itrato ang babaeng hindi pinaghihirapang kuhanin? Siya nga naman mismo ang nagdeklarang sila na, pero hindi makatarungan na basta na lamang siyang iwan ng lalaki.
Naging tapat naman siya at totoong minahal niya ito kahit bata pa siya kaya bakit naman nito nagawa ang ganoong bagay sa kanya.
Para na siyang mababaliw, buti na lang talaga bakasyon na kung hindi baka pati pag-aaral niya ay naapektuhan. Kapag kaharap ang kanyang mga magulang at mga kapatid, okey siya tumatawa pero deep inside durog na durog ang kanyang batang puso.
Pero may naging libangan siya ng summer, nagbake siya ng mga cookies at itinitinda iyon nilang magkakapatid. May DIY overn kasi ang kanyang itay, gawa iyon sa lata ng biscuit at gamit lamang ang apoy mula sa panggatong na kahoy nakakapagluto siya ng cookis.
Namana niya sa kanyang tatay ang kahiligan sa pagbi-bake. Kaya kahit papano, dumating ulit ang pasukan naka-move on na rin siya at tuluyan ng kinalimutan ang tungkol kay Jarred.
Pero hindi na ulit siya sumubok pang makipag-relasyon sa takot na baka maulit muli ang unang kabiguan.
ITUTULOY