“Uhmm.. hi, nandiyan ba si Jarred?” Naiilang na tanong ni Melissa sa nagbukas ng gate na si Jerold.
Pero napansin niya na agad itong umiwas ng tingin sa kanya at tila ba naka-zipper ang bibig dahil hindi man lamang nito sinagot ang kanyang tanong.
Bagkus matapos nitong buksan ang gate ay tumalikod na ito at bumalik sa loob ng bahay.
“Anong nangyari sa isang iyon? Masyado talagang mahiyain iyon kahit kailan.” wika naman ni Rose.
“Ay true ka diyan girl. Kahit makasalubong natin iyan sa campus laging iwas tapos di makatingin satin ng deritso. Hindi ko nga malaman kung bakit ganyan sobrang mahiyain ang lalaking iyan, ibang iba naman kay Jarred. Tingnan mo naman kahit na hindi rin masyadong nakikipag-usap sa ibang tao pero kahit paano eh nakikipag-usap naman at bumabati pa nga hindi ba? Kaya ako mas buto talaga ako kay Jarred kung halimbawa na kasama sa choices natin si Jerold. Kay Jarred pa rin ako eh kahit na pogi rin naman si Jerold at bagay din sila nitong si Melissa pero mas gusto ko pa rin talaga si Jarred." Wika naman ni Jaz.
“Kayo talaga pati yung taong walang kaalaman ginawa niya pang topic.” Saway niya sa mga ito.
Kunyari chill lang siya pero ang totoo kinakabahan na siya sa paglabas ni Jarred.
Ang totoo kasi may ibibigay sana siyang bake cookies na siya mismo ang gumawa kagabi. Balak sana niyang ibigay iyon kay Jarred pagkatapos nilang mag-usap pero nakalimutan kasi niya dahil na rin sa sobrang kaba kanina.
Kaya naman ang ginawa niya ay inalam niya kung saan ang bahay nito. Ang dali lamang naman niyang matunton iyon dahil isang sakay lang naman iyon mula sa kanilang school. Tsaka kilala din ang lola nito sa lugar kaya kailan lamang nilang nahanap.
At tumawag na rin siya kay Jarred para sabihin na nasa labas na sila ng bahay ng mga ito. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang saloobin nito sa nangyari kanina. Pero sa tingin naman niya kahit papaano ay nasiyahan ito dahil napasigaw pa nga ito na sabihin niya na sila na.
Kaya lang kanina sa pagtawag niya hindi niya matiyak kung talaga ba na nasisihan ito na magtutungo siya doon o hindi dahil mababakas sa boses nito na parang walang kasigla-sigla ng sumagot kanina.
Tapos parang gulat na gulat pa ito.
Ang inaasahang niya ay si Jarred mismo ang sasalubong sa kanila, iyon pala ang kapatid nito na si Jerold ang nagbukas ng gate.
“Ano ba, iyan na oh, nakabukas na ang gate siguro naman pinapapasok na tayo ng mga iyon. Wala naman lamang kasing sinabi kung sa pagbukas ba niya ng gate eh pinapasok niya tayo or hindi.” Nakasimangot na wika ni Rose.
“Hayaan mo na alam mo naman na may pagka-nonchalant ang lalaking iyon. Kaya huwag ka nang magtaka siguro pasok na lang tayo dahil hindi naman niya iaawang ang gate na iyan kung hindi tayo pinapapasok 'di ba.” Wika naman ni Jaz.
“Mabuti pa ay pumasok na tayo, siguro hintayin na lamang natin si Jarred na lumabas.” Wika na lamang niya sa mga ito tsaka nauna na siyang pumasok ng bakuran.
“Wow grabe, ang yaman nga ng loloa nila ‘no? Napakalawak pala ng bakuran nila tapos yung bahay makaluma man ang disenyo pero sobrang ganda at malinis pa. Halatang namiminttina ang kagandahan niyon. Pati na ang mga halaman ay may luntian halaman, at may mga bulaklak pa na namumukadkad sa kabilang parte ng bahay ng mga ito. Halatang alaga iyon sa pataba at sa dilig dahil nakakaengganyo talaga ang itsura. Grabe, ganito pala sila kayaman. Parang napaka-simple lang ni Jarred at Jerold. Iyon pala kayang-kaya sila ipasok sa mamahaling eskwelahan pero mas pinili nila na sa school natin mag-aral?" Bulalas ni Jqz na tila hindi makapaniwala.
Ganon din naman siya, hindi talaga siya makapaniwala na ganito pala ang buhay na meron si Jarred.
“Doon na lang tayo sa may mga upuan malapit sa may rebulto ni Mama Mary nakakahiya naman kasi na dumiretso tayo sa loob ng bahay mamaya niyan eh andiyan pa sa loob ng bahay ang lola ni Jarred baka mapagalitan pa tayo. Medyo may pagka-strikto pa naman daw iyon. Kaya okay lang ako dito sa labas, kayo kung gusto niyong pumasok sa loob bahala kayo.” Sabi naman ni Rose na inaakala yata nito ay papasok talaga sila sa loob.
“Oo tama i-chat mo na lang kasi or i-text mo si Jarred na lumabas na lamang dito. Baka kasi makita tayo ng ng lola niya, sigurado magpapagalitan tayo non.” Sigunda naman ni Jaz.
Kaya minabuti niya na lumapit na nga sa may mama mary na rebulto at doon na lamang sila naupo habang hinihintay nila si Jarred, nag-text na rin siya dito kung nasaan sila hindi nga lang niya alam kung lalabas ang lalaki.
Sa totoo lang sobrang kaba din talaga niya, hindi nga niya akalain magagawa niya ang bagay na iyon at talagang siya pa ang nag-anunsyo ng relasyon nilang dalawa. First time niyang magka-boyfriend pero parang siya pa itong gumawa ng paraan para makapagtapat ito sa kanya.
Ang nakakatawa lang hanggang sa huli ay tila ba nais pa rin nitong itago ang lahat pero inunahan na niya para matapos na ang sobrang kaduwagan nito.
Kaya lang, iyong para sa kanila lang ay agad-agad na kumalat sa kanilang campus, akalain ba naman kasi niya na makikita silang dalawa doon. Atsaka sa ganoong sitwasyon pa kasi sila naaabutan ng mga team mates nito.
Kaya imposibleng hindi talaga kumalat ang balita tapos sinabi na lamang niya na may relasyon silang dalawa para hindi na ito tuksuin pa ng mga ka-team nito.
“Oh ayan na si Jarred, kinabahan ako akala ko hindi tayo lalabasin,” masayang turo ni Rose sa lalaki.
Halata sa kilos ni Jarred na nahihiya ito sa kanilang presensya pero siguro napilitan na itong lumabas dahil nandoon na nga naman sila.
“Hi, bakit nga pala kayo pumunta dito?” Seryoso ang boses na tanong ni Jarred sa kanila.
“Ha? Ah eh, a-ano kasi may ibibigay lang sana ako sayo actually kanina ko pa talaga ito sayo bibigay. K-Kaya lang nawala sa isip ko nung magkausap tayong dalawa kaya hinahanap ko na lamang ang bahay ninyo para maibigay ko sayo. Nagbake kasi ako kagabi at talagang para sayo to kaya sorry kung naabala ka namin.” Hinging paumanhin niya dito.
Para bang nailang siya dahil sa kaseryosohan ako sa kanya.
“Heto nga pala, ahh... s-sana kainin mo, ahhmm s-sige, aalis na rin kami Jarred. Huwag mo ng isuli yung lagayan okay na yan siguro naman kahit papaano masasarapan ka kasi talagang pinagpuyatan ko pa iyan kagabi.” Naiilang na wika niya dito.
Sabay abot ng mga cookies na nakalagay sa tupperware tsaka agad niyang inaya ang kanyang mga kaibigan para umuwi na.
“S-Salamat dito love, mag-iingat kayo sa pag-uwi.” Biglang pahabol nito.
Halos mamilog ang kanyang mga mata dahil sa narinig na mga katagang sinabi nito. Kung pwede nga lang magtatalon sa tuwa ginawa na niya. Kilig hanggang buto talaga na parang gusto na lang niyang humimlay sa bisig ng lalaki.
Ang kanyang mga kaibigan naman ay napatili ng wala sa oras, siya naman ay todo pigil pa na tumalon sa sobrang kaligayahan ng kanyang puso. Tinawag din siya nitong love, na akala niya ay imposibleng banggitin nito.
"S-Sige, salamat love. Call na lang ako mamaya ha." Nakangiting sagot niya dito.
Tumango naman ito, iyon lang at tuluyan na silang umalis.
ITUTULOY