Kabanata 19: Kulitan

1503 Words
“Puro ka kalokohan, kumain ka na lamang tayong dalawa. Pagkatapos kumain pwede ba na mag-request ng kape hindi kasi ako sanay na matutulog sa gabi na hindi nakainom ng kape.” Saway na lang niya dito tsaka iniba na niya ang usapan para naman hindi na ito magsalita pa ng kung ano-ano. Dami kasing alam, may padrama pa talaga. Para namang papayag sya sa gusto nito. Hindi ganon kadali ang lahat, lalo na at ganon kalala ang pinagdaanan niya. “Oo naman, sabay tayo magkape pagkatapos nito meron naman siguro sila diyan stock. Sabi kasi sa akin nung kaibigan ko, meron daw mga pagkain dito at kumpleto pwede rin tayong magluto. Hilig ko rin kasing magkape bago matulog.” Sagot na lamang nito sa kanya habang patuloy ito sa pagkain. “Mabuti naman kung gano'n, para bukas ng umaga bago tayo umalis makapagluto muna ako ng almusal pero dapat maaga ha. Kailangang nasa karinderya na ako bago mag alas kwatro. Baka kasi magalit na si tiyang hindi na nga ako nakapagtulong sa paghahanda ng mga ingredients tapos mali-late pa ako sa pagbubukas ng karinderya.” Wika niya dito. Para alam nito na kailangan na agad niyang makabalik, kung maaaring lamang na magbiyahe na sila pauwi ay sinabi na niya. Kaya lang ang pasaway balak talaga na mag-overnight sila sa resort na iyon. “Sobra, namang napakaaga non at saka pinaalam nga kita sa tiyang mo at pumayag siya na kahit na tanghali na tayo makauwi bukas. Sakto kasi na day off ko bukas, kaya yun ang na-request ko sa tiyang mo. Wala namang problema hindi ka naman siguro pagagalitan noon tsaka ako ang bahala. Alam mo naman na mukhang nakuha ko na ang kiliti ng tiyang mo. Ayaw mo ba na bumalik tayo? Hindi ba pwedeng gawin na lamang natin yung dalawa? Wala naman tayong closure noon, hindi tayo nag-break, basta na lang ako nawala kaya kung susumahin girlfriend pa rin kita kaya may karapatan pa rin ako sayo. Atsaka nagsisinungaling ka lang sa akin na may boyfriend ka na eh, tinanong ko mismo ang tiyang mo, at sinabi niya na wala pa kaya alam ko sa sarili ko na hinihintay mo pa rin ako hindi ba?” Seryosong pahayag nito sa kanya at tila ba umaasam na papayag siya sa sinabi nito. “Ang kapal Mo naman para mag-assume na gusto ko pa rin na maging parte ka ng buhay ko. Sa lahat ng traumang pinagdaanan ko noong basta mo na lamang ako iwan, sa tingin mo gugustuhin ko pa talaga na makasama ka at subukan muli na ayusin ang relasyon natin? Hindi ko nga malaman kung naging mahalaga ba sayo ang relasyon nating iyon eh, para gano'n gano'n mo na lang ako ewan.” Mataray na bigkas niya dito na may bahid ng panunumbat. Napansin niya ang pag-iwas ng tingin nito sa kanya ibinaling na lamang ulit nito sa pagkain. Hindi rin agad nagsalita, animo pinag iisipan pa nito ang sasabihin. “Akala ko pa naman papayag ka na, tsaka valid naman yung reason ko noon. Hindi ko lang nga sayo masabi ang buong detalye pero natitiyak ko na hindi ko talaga sinadya iyon. Ayokong iwan ka noon, gusto ko na ituloy pa rin ang mga pangarap nating dalawa. Kahit ba high school pa lamang tayo noon eh malalim na rin ang nararamdaman ko sayo. Kaya wag mong isipin na di mahalaga sa akin ang relasyon natin non. Seryoso ako sa nais kong mangyari noon, ang problema nga lang biglang nagkaroon ng sakuna sa aming pamilya. Hindi ko naman kayang tiisin ang kapatid ko, alam mo naman yun hindi ba? Kami na lamang dalawang natitira dito sa mundo mabuti nga meron pa kaming lola na hanggang ngayon kahit na matanda na eh tumutulong pa rin sa amin.” pahayag ulit nito sa kanya. “Kahit na, oo valid man yung reason mo noon pero hindi mo man lang ba naisip kung gaano kahirap yung pinagdaanan ko noon. Ilang buwan ba akong hindi makatulog, ilang buwan ba akong naghahanap ng kasagutan sa lahat ng mga katanungang bumabagabag sa aking isipan. Pero syempre wala akong nakuhang kahit na anong sagot dahil nga sa biglaan ang pag-alis mo tapos after 5 years, saka ka babalik tapos unang pagkikita natin ganyan na agad ang gusto mo, na ipagpatuloy natin ang nakaraan. Isipin mo rin na mahirap ito para sa akin huwag ka naman sana maging makasarili.” Seryoso ding pahayag niya dito para naman maisip nito na hindi ganun kadali ang nais nitong mangyari. “Alam kong mahirap at alam ko na kasalanan ko lahat, kaya hinanap kita noon. Hindi mo naman sa akin ang sinabi kung saan ang bahay ninyo sa takot mo na malaman ang mga magulang ang tungkol sa atin. Kahit na nagtanong-tanong ako wala ring nakapagsabi tapos nung matuklasan ko naman ang bahay niyo hindi rin naman sa akin sinabi ng mga magulang mo kung nasaan ka. Kahit na nagpakilala ako na naging kasintahan mo ako nung high school tayo. Hinanap din kita noon sa school, Iyon nga lang after 3 years pa ako nagkaroon ng lakas ng loob na hanapin ka dahil nais kong magpaliwanag sana sayo non kaya lang huli na nga. Sana naman kahit yun lang i-konsidera mo at sa loob naman ng ilang taong pagkakawalay ko sayo wala akong ibang babaeng inisip non kundi ikaw lang." paliwanag ulit nito sa kanya. Kung susumahin ay paulit-ulit lamang naman ang hindi lang kasi nito ma-gets na hindi nga ganun kadali na pagbigyan ito sa nais. “Pwede bang huwag na nating pag-usapan ang mga nakaraan na? Kung tapos ka na kumain magliligpit na ako, ako ng bahala nito at ako na lang magtitimpla ng kape gusto ko munang mapag-isa.” wika niya dito. “Ayaw ko, gusto ko tulong tayong dalawa katulad noon kapag nagtutungo tayo sa bahay, mas masaya tayo noon kapag nagtutulungan sa pagkilos hindi ba?”. Tanggi nito tsaka tumayo na at talagang inayos nito ang mga plato para dalhin sa kusina. Napabuntong hininga na lamang siya na nasundan ito ng buhatin na nito ang mga platong pinagkainan nila at dalhin sa kusina ng bahay na iyon. Kasasabi na lamang niya dito na ayaw na muna niyang pag-usapan ang nakaraan pero pinapaalala naman nito ang masasayang sandali nila noon, noong panahon hindi pa niya ito iniiwan ng walang pasabi. Minabuti niya na kuhain na lamang ang iilan pa ang natitirang plato sa mesa at maging ang pitchel kinuha na rin niya dahil natitiyak niyang hindi talaga papaawat ang lalaki kahit na hindi naman nito gawain na iyon. Pagdating nga niya sa lababo ay ayon na, nagsisimula ng magsabon ang pasaway kaya naman agad niya itong nilapitan at tangkang kukuhain sana ang sponge sa kamay nito pero iniiwas iyon ng lalaki. “Opps, bawal... Gaya dati, ako ang magsasabon ikaw naman ang magpabanlaw, okey ba?” Simpatiko ang ngiting wika nito sa kanya. “Hayyyss.. Ewan ko talaga sayong lalaki ka!” Naiinis na lamang na tugon niya dito. Pero kinuha ang plato na iniaabot nitong tapos na nitong sabunin, tsaka napilitan na siya na banlawan iyon para matapos na. Pasipol-sipol pa ito habang nagsasabon ng plato, todo ngiti pa ang pasaway. Maya-maya ay biglang nilagyan nito ng bula ang kanyang ilong. “Jarred! Pasaway ka!” Palatak niya dito tsaka sinabuyan naman niya ito ng tubig. Katulad ng palagi nilang ginagawa dati kapag naghuhugas ng plato. Noon kasi nagtutungo sila sa bahay ng lola nito. Kapag naisipan nilang magluto ng pancit canton, palihim silang nagluluto sa likod. Masungit kasi ang lola nito kaya sa likod pa, sa may dirty kitchen ng mga ito sila nagluluto. Tapos habang naghuhugas sila kapag tapos na silang kumain eh, ganito ang nangyayari, nagkukulitan sila ng husto. Sasabuyan siya ng bula ang lalaki at siya naman babasain nito. Para natural na lang kaya parang agad na nagresponse ang katawan niya sa paglalagay ng bula nito sa ilong niya. Todo ngiti tuloy ang pasaway, akala mo eh nanalo sa lotto, di mawala-wala ang nakapagkit na ngiti sa mga labi habang titig na titig sa kanya. "Na-miss ko 'to Melissa, sobrang nakakamiss na ang mga kulitan at asaran natin dati. Sana dumating ang araw na magawa natin iyon ulit pero magkasintahan na ulit tayo. Hindi iyong ganito, baka ipa-baranggay mo pa ako." Natatawang wika nito. "Sus, ewan ko sayo bilisan mo na diyan para makapag kape na tayo. Gusto kong matulog ng maaga para makabawi ako ng puyat." Sabi na lang niya dito, sabay kuha ng baso sa kamay nito. "Grabe sya, tutulugan mo pala agad ako? Daya naman, kwentuhan pa tayo." Nanunulis wika nito. "Naku, maaga pa ako bukas pasaway ka. Tsaka kanina pa tayo nag-uusap, nasabi mo na nga yata ang talambuhay mo eh. Kulang pa rin iyon?" Nakasimangot na sagot niya dito habang patuloy sa paghuhugas. "Uhmmm okey, pero pwede tabi tayo?" Nakangising wika nito. "Ha?! Tabi mong mukha mo!" Pabiglang sagot niya dito, nanlalaki pa ang kanyang mga mata. Napahagikhik naman ito sa naging reaksyon niya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD