“Hhhmmm… Ang sarap mo pa rin magtimpla ng kape ha akala ko nakalimutan mo na yung gusto kong timpla ng kape.” Wika nito habang nakatanaw sa magandang tanawin sa labas. Sabay higop ulit ng kape. “Paano ko bang makakalimutan eh ikaw lang ang taong napagtimpla ko ng kape, alam mo naman si inay at itay, gatas at tsaa lamang ang iniinom.” Sagot na lamang niya dito. Papaano ba niya makakalimutan ang paraan ng pagtitimpla ng kape nito ay samantalang kakaiba kasi ang nais nito. Konting asukal at halos kalahating kutsara ng kape, tapos tutunawin sa konting tubig na mainit tsaka lalagyan niya ng Malamig na tubig kaya naman agad ay naiinom ng lalaki dahil sa malamig na agad iyon. Ayaw kasi nito ng masyadong mainit gusto nito ay mild lang. “Sabagay, pero nakakatuwa lang na hindi mo pa rin na